11 Replies
Nakakatuwa. Minsan may parang nagka-karate sa tyan mo. Minsan bigla na lang uumbok yung pwet niya. May time din na kapag nakatagilid ka parang kinakatok ka "mommy naiipit ako" haha kaya mapapa "ay sorry 'nak" kaya bibiling ka ng position. May times din na slowmo galaw siguro tulog si baby nagchange position lang. Meron din na pumipintig na parang sinisinok siya. Napakasayang Feeling maranasan yung ganito kapag buntis. Kasi alam mong buhay siya, active si baby. Kaya gagawin mo talaga lahat maging Healthy siya sa loob ng tummy mo.
Parang my something na ewan sa tummy na parang nagswimming na parang nagkakarate na parang sumasandal na ewan 😅😅 pero nakakatuwa sa feeling. minsan pag di sya gumagalaw ng ilang oras tinatry ko mag fetal doppler at tinatadyakan nya yung doppler na parang sinasabe ba na "opo. gising nako alisin mo na yan" 😅 ftm here kaya medyo paranoid if di gumagalaw si baby kaya napapacheck agad sa HB nya 😅 yun rin naman advise ni OB sakin if di ko nafeel yung movements mag doppler just to be sure 🤗
yung ginagamit po ng OB pang check ng heartbeat ni baby 🤗
ang saya pag gagalaw sa loob si baby lalo na pag hinihimas ni hubby tiyan ku nag rerespond xia gumagalaw agad tapos panay umbok siguro pwet nia un or anu hehe saka malakas na dn ung pintig pintig na snasabi nilang sinok daw ni baby
May something na umaalon. Lalo na pag nasa third tri ka na. Parang may nagpapadyak ng bisikleta sa tyan mo. 🥲 Tadyak here tadyak there. Minsan makakapa mo pa talaga yung bone ni baby.
parang may malaking uod na gumagalaw sa tiyan haha. masakit lalo pag ung pusod or ribs mo ang sinisipa hahaha 😂😂😂
nakakakiliti. nakakagulat minsan. parang hinahalukay tyan mo. at pag sa may puson ang galaw parang maiihi ang peg
nakakakiliti, minsan malakas minsan mahina, ang cute kasi feeling ko may maliit na baby na naninipa sken
Parang may alien sa tyan 😂😂 Nakakatuwa sa pakiramdam na ewan di ko ma explain kasi FTM ako.
Nakakakiliti minsan masakit pag tumatama sa baba
Nakaka-kiliti na parang parati kang naiihi. 🤣
Arian Jane Moreno