#1stimemom #pregnancy #advicepls #theasianparentph
Umalis kami kahapon para sa second ultrasound ni baby, at para malaman ang gender nya. Excited na kami ng asawa ko at ng mga kamag anak ko. Pero pag dating sa obgyn ultrasound, habang nakahiga ako at sinusuri ng doctor ang baby ko. Nawindang ako sa mga sinabi ni doc. Halos di ko naririnig sa shock at exctiment na makita si baby ko. Pinababa ako ni doc sa office nya at sinama ko na si mommy ko kasi iba na kutob ko. Habang pinapaliwanag ni doc ang sitwasyon ni baby sa amin, ako ay iyak ng iyak at di ako makapag salita sa lungkot. Kaya si mommy na ang kina usap ni doc. Naaawa ako sa baby ko. Lahat ng vitamins at gatas na kailangan kong inumin, ininom ko. Nag e-exercise naman ako.. pero bakit ang lumabas sa result ni baby ay hindi normal ang brain development nya (absent cerebellum) at may facial clefts sya.
Sa totoo lang di ko alam gagawin ko.
Please pray gor my baby girl. Na sana mahabol pa sa loob ng tatlong buwan nya pa sa tummy ko ang brain development nya at facial nya.. thank you
Claudette Meriveles Cacao