makipag-coordinate sa pedia regarding sa pagkain ng baby. natry ko yan both babies ko, pero sa second baby di ko na halos pinakain tikim lang. noon ang ginawa ko, 2 kutsarang cerelac tapos hinaluan ko na ng distilled water. umaga at hapon lang. flavors: rice and soya, wheat and milk, brown rice and milk. di kami pinasubok ng may ibang flavors. sa pagpapakain, 3 araw isang flavor lang ang titikman. why? para macheck incase may allergic reaction dun sa certain type of "flavor", like soya o milk o wheat. hindi ko inaadvice na pakainin ng cerelac sana si baby, pero kung tikim, i guess okay lang naman. merong pedia sa facebook, nagtuturo ng "tamang kain" para sa buwan o edad ng bata.