Unexpected C-section.
#1stimemom #firstbaby #pregnancy . Sino po mga cs mommies dito? Ano po mga experience niyo during and after cs? Subrang kaba at takot po nararamdaman ko ngayon. Kakauwi ko lang po galing Lying in at nalaman ko pong Oct23 pa pala yung Due date ko at hindi Oct25. Mas nakakagulat pa po dahil subrang laki daw ni baby kaya hindi ako pwedeng i'induce. Natatakot po ako subra! Pahingi naman po ng lakas ng loob mga mommy😭😭😭


Sa 1st lo ko, emergency cs. 3am nagwaterbreak, went to lying in pero they advise na magpunta ng hospital. "leaking bowl" yung term nila eh pero 1cm pa lang ako, medyo may kulay dugo na sa lumalabas na tubig. Pagdating sa hospital pinaglabor pa rin ako for normal delivery until 10am,pero hanggang 1cm lang talaga ako, until parang humihina na daw ung heartbeat ni baby kaya need na ako. i-cs. Hindi ko naramdaman yung pain ng paginject ng anesthesia kasi mas nangingibabaw ung sakit ng tyan ko hahaha. Pero ayon nakaraos naman. Ngayon sa 2nd ko eCS na kasi delikado daw pag inonormal ko, may possibility na bumuka ung tahi sa loob (2yrs after my 1st lo) at malalagay sa alanganin ang buhay naming dalawa, kaya di ako nagtake ng risk na inormal. This time, naramdaman ko ung tusok ng karayom sa likod ko hahaha kasi alam ko na ang mangyayari eh, pero saglit lang ung pain kasi after ilang seconds or minutes manhid ka na🤣. Fasf recovery talaga ako, after 24hrs i managed to stand na.
Magbasa pa


