Ang baby ko hindi sa akin humahbol
#1stimemom #firstbaby #advicepls Good day po, ang baby ko halos ako ang kasama maghapon except pag maliligo si baby, mag change ng diaper at kung maliligo ako. May playtime kami na nakikipag interact ako sa kanya, may playtime na hinahayaan ko siya maglaro nang siya lang para makapag adjust siya na not everytime eh andun ako sa tabi niya. Ang dilemma ko, ang kasama ko sa bahay pag inihahabilin ko sa kanya baby ko, imbis na hayaan niya maglaro s baby ng solo, inaaliw niya un bata. So ngayon ang effect sa bata mas habol sa kasama ko sa bahay kesa sa akin. Umiiyak baby ko at gusto magpakarga sa kasama ko sa bahay kahit ako mismo ang kaharap. Ma re reverse pa po ba un pagkahabol ni baby? Makukuha ko pa ba ang loob ng baby ko? Nakausap ko naman na un kasama ko s bahay. Kaso un imprint niya sa baby ko, dun ako nalulungkot kasi siya hinahabol nun bata imbis na ako. Salamat po