Boy or Girl?
#1stimemom #advicepls #firstbaby Hi mga mommies. 6 months preggy here. Nabobother lang talaga ko sa utz ko dahil hindi sigurado yung mismong radiologist sa pag ultrasound sakin. Marami rin ako naging posisyon para lang mabasa nya nang maigi yung gender ni baby pero hindi talaga sya sure. Sabi nya may hamburger sign daw pero may lawit din syang nakikita pero girl ang final na nilagay nya sa utz ko dahil yun yung sabi ng kasama nya. Okay lang ba kung umulit ako ng utz? Sensya na mga mommies gusto ko lang makasiguro sa gender ni baby para alam ko rin kung pang boy or girl ang ireready kong mga gamit nya once na lumabas na sya. Salamat!