Mga kelangan na gamit na dadalhin sa ospital at mga gamit na kelangan ni mommy at baby

Hi.. 1st time mom here. Hingi ako ng help nyo, mamimili palang ako ng gamit ni baby. Bali 33rd weeks na po ako. Share nyo naman po yung mga alam nyo na tips, wala pa po kasi akong idea. Maraming salamat at Godlbess :)

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Sa Divisoria o palengke ka po mamili ng mga baby clothes at lampin para makamura. Lucky CJ na tatak ng tela ang hanapin mo para good quality. Dami damihan mo po ang lampin kasi matagal naman magagamit. Wag ka gaano bumili ng madaming pang newborn na damit kasi 1 month lang nya yun magagamit kasi mabilis sya lumaki. Hanap or antay ka ng sale o buy1take1 para sa mga baby wash at mga alcohol or baby oil. Mura bilihin sa Puregold kesa sa SM at Robinsons. Wag ka bumili ng Johnsons products kasi madaming chemicals yun, may ibang mas mura na brand at mas safe kahit di sikat.

Magbasa pa