walang kwenta ama / pati kapatid ng ama

Eto po ung part 1 (Pwede po ba mag rant? Nakausap ko po ate ni baby kanina. Halos ilang linggo napo kase ako nagiisip sa gamit ni baby etc. Kanina ko na po naisipan i chat. Akala ko nga po okay na may plano na sila pati sa pag papaanak ko kumbaga akalang po hinhintay mag sabe. Tapos malaman laman ko po wala po pala si plano? Btw 31weeks na po ako. 31! Wala pa po nabibili gamit kahit ni lampin! Tapos bandang huli po gusto ng mga ate nga kame na mag asawa mag usap. Btw. Hiwalay na ho kame may ibang babae sya. Nasa ibang bansa sya ngayon. Samantala nung umpisa. Panaya sila sabe na sila sila mag kakapatid mag uusap! Tape sabe hinihintay daw po desisyon ng kapatid nila. Kase ilang araw na den daw po sineseen lang sila sa gc nila. So chinat ko po tapos sineen lang den ako! Sobra na istress po ako! Bigla po ko na istress! Di ko po mapigilan kunsumisyon ko! Naggigigil poko! Ang yayabang nila mag kakapatid sa pera pag ganto pahirapan po sila! Pag sa babae nya ang bilis nya excited pa sya! Pag sa anak nya pahirapan! Sobra naman po yon! Tangina! (Sorry) GRABE PO TALAGA DI KO PO MAPIGILAN TO INIS KO NGAYON! GRABE! NAPAKA WALANG KWENTA NYA PO! GRABE! BTW im 17 palang po! And siya 21yrs old. So kaya po namen sya ipakulong! Si mama mo sabe nya hayaan ko lang daw po. Oag wala daw po gnawa aksyon. Papakulong daw po namen. Grabe po! Sobra stress nako! Una sa gamit pangalawa wala po mag babantay saken sa hospital!) Eto po ung part 2 nag reply po sya sa mama ko ng ganyan. Kahit dalhin po namen sa tulfo yan dba ang sasabihin sakop nya.lahat kase menor de edad po ako. Di ko pa kaya mg work. Tyka FYI nung 1st trimester ko kung makapag yabang ho mga ate nyan na kesyo sagot nila lahat pati gamit ng bata. Kung makapag yabang sila na sa singgapore pa bibilhan ng damit si baby. Tapos bgayon umuurong itlog niya? Bakit? Ubos na ba pera mo sa babae mo? Sa kakagstos mo sakanya? Tyka FYI wala po ko ginagawa saknya noon! Napakasinungaling nya pinalabas nya sa lahat n mag iba lalake ako para masabe hindi saknya ung baby ko! Grabe na po ugali nyan! Nag plaplano na po kame mag pa tulfo or mag sampa ng kaso sakanya. Ang kapal po ng mukha nyang gago yan dapat ganyan lalaki ang di pinapataas sa buhay! Lahat naman ho ginawa ko sakanya nung kame tapos ngayon ganyan igaganti nya! Hayss ano pa po kaya maganda gawin? Tia po Ps KAYA HO NIYA TINATANGGI NA KANYA KASE MAY KA LIVE IN NA SYA! HINDI NAMAN PO ITATANGGI NYAN NON MALAMAN LAMAN LANG NAMEN MAY BABAE PALA KAYA TODO TANGGI! WALANG BAYAG HO YAN 17 palang po ko kaya balak ho sana namen sila kasuhan. Tapos ganyan pa po pinag sasabe samen. Ung pangalawa pic. Text daw po ng atty. Sakanila yan.

walang kwenta ama / pati kapatid ng ama
37 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nung una ok kayo? Lahat pti mga kapatid ng jowa mo? Ngaun ang ngyari nalaman mong my babae ung jowa mo ang tendency siraan ka ng jowa mo sa mga kapatid nya para di sya mgng msama sa paningin ng mga kmganak nya. Nging successfull naman c jowa mo sa paninira nya sayo. Ngaun syempre ang cnabe ng jowa mo sa mga kapatid nya na baka di nya anak yan sabay gwa ng kwento. Naniwala naman mga kpatid nya sa knya. Kya nung pg chat nyo ng mga kpatid ng jowa mo, umatras cla ngaun kc ngaalangan dahil sa gnawang kwento ng jowa mo. Syempre ikaw ngalit ka, nkapag salita/isip tuloy kyo ng pamilya mo na KASO agad kc nlaman nyo nga na umatras na sila sa pngako nla sa inyo ni baby. Syempre pare pareho kyo ngulantang sa reaksyon ng bwat isa kya ngaun para kyong apoy na nglalagablab sa pagaaway. Pero ang gusto mangyare ng mga kapatid nla is DNA muna, pero makaccguro ka nman na ibbgay nla lahat ng sustento once na malaman nla. At ikaw ang pinoproblema mo ay ung nalalapit mong pnganganak, gamit at banty sa ospital at syempre budget since di kpa pwede mgwork. In short npaka galing na trouble maker ng jowa mo. Ang gawin mo te SA NGAYON, kayanin nyo munang pamilya iraos ung pnganganak mo. Kung me kaya kyo abonohan nyo muna. Pero kung wala, my mga paraan. Mg komadrona kyo. Kausapin mo muna fam mo na iraos nyo muna ung pnganganak mo. Next step is wag ka muna mgpa DNA, mgpa tulfo na kyo kc possible na c tulfo ggastos ng DNA ni baby. After nun kaso para kay jowa mo regarding sa menor de edad ka, sa sustento, and then ang hihilingin ng jowa mo is DNA, c tulfo ggastos nun. And then sa napapanood mo ky raffy tulfo ipprovide nya lahat ng kelangan nyo ni baby sa ngaun lalo at menor de edad ka. Pg natapos yang plano na yan ang jowa mo kulong na, my sustento pa c baby 😉 kya sana imbis na mgpapaka stress ka jan. Think positive. God will provide. Di Nya tyo pbabayaan. Mgplano ka ng matalino, pasasaan pa at mkakamit mo rin ang hustisya. Gudluck!

Magbasa pa
5y ago

Sis pls ipatulfo mo na yan . menorde edad ka . di ipapakita ung mukha mo. Kaya muyan . Godbless u . kailangan ng agarang aksyon sa mga ganyang tao dahil uulit ulitin lang nila yan

grabe naman yan sis. Sobrang nakakadown na ganyan yung nakabuntis sayo. Kawawa ang bata. Kung kaya niyo naman na kayo nalang bumuhay wag na kayo umasa at cut all ties na, start new life bata ka pa naman. Aanhin mo yung matatanggap mong sustento, kung may kasama namang pang iinsulto. Hindi matutumbasan ng pera yung pain na ibinibigay niya sayo. Kung sa akin gagawin yan, tutal denied naman niya yung bata, sisiguraduhin kong hindi siya makikilala ng anak ko at wala siya sa birth certificate para wala siyang habol at kung sakali lumabas pa yan na kamukhang kamukha niya, lalo siyang uusigin na konsensya niya pero huli na ang lahat. Wala siyang karapatan maging ama. Kakarmahin din yan, pagsisisihan niya rin sa huli yung kagaguhan niya. Di mo kailangan sa buhay mo ang ganyang lalaki, matuto ka na sa pagkakamali na yan at bumangon ka para sa anak mo.pakatatag ka sis, kaya mo yan. The fact na binuhay mo ang batang yan sa tiyan mo means napakastrong mong tao. Godbless.

Magbasa pa

Sakin din pa dna daw nila yung bata kasi hindi sila sigurado na sa kanya yung anak ko. Ako nainsulto para sa anak ko. Sa galit ko. Pinutol ko communication ko sa kanilang lahat. Wala silang narinig na kahit anong salita sakin after ako insultuhin ng tatay ng anak ko. Galit na galit ako pero hinayaan ko na lang. Dahil naniniwala ako na kung anong binigay mong sakit sa kapwa mo. Yun din ang ibabalik sayo. After ilang months nagparamdam nag sorry, dahil hindi na daw sya gagraduate ng college. Pero ako pa din sinisisi nya kasi hindi sya naka graduate. Lol. Pero kahit tuldok hindi sya nakatanggap sakin. Puro kamag anak ko minemessage nya pati katrabaho ko. Nanghihingi ng karapatan sa anak ko. Pagkatapos itanggi hihingi ng karapatan? Kinaya kong mag isa. Karma na bahala sa kanila.

Magbasa pa
5y ago

Haha. Hindi nga maintindihan ang utak mga mamsh. Ilang beses nya sinasabi sakin "iyong iyo na yang anak mo." Sinasabi nya pa na pumunta daw ako sa bahay nila. Bibigyan daw nya ko ng chance, tatanggapin nya daw yung bata kahit pa daw hindi sa kanya. Tapos may sinasabi pa nya pasalamat daw ako may natitira pa daw syang konsensya. May makapal talagang mukha na magaling bumayo pero hindi kaya magpakaama..

Jusko po! ate relate na relate ako sayo ganyan din talaga sitwasyon ko pero ginawa namin kami na mismo lumayo at hindi nagmakaawa sa mga hinayupak na yon kala nila kung sino silang mapagmataas mkaimik, nakabuntis kapatid nila tapos kkunsintihin. Makaiwas sa stress at sa panliliit nila kami na lumayo kung ayaw nila edi wag nila gusto din nila ipaDNA eh sampalin ko siya kapag talagang kamuka niya to duda pa siya. Maski ako nangangarap ipatulfo mga yun eh dahil ayaw magsustento gsto DNA muna pero mas may laban ka sis takot na sila kaya ganyan kasi menor de edad ka winner ka talaga kaya please ilaban mo yan kaya nyo yan ipatulfo.

Magbasa pa

Push mo yng kaso mo o ipa tulfo mo. Mga walanghiya ung mga ganyang klaseng tao walang bayag dn yang tatay ng anak mo! Tsaka kamo yng sinasabing attourney na pinagtanungan nla? Hingiin mo pangalan kng tlgang totoo ba, pag lumabas sa tulfo yn o may mgka kaso kyo mapapahiya yang attourney na ptnginangyan! Na dpat sya nag aadvice kng ano dpat ggawin hndi ung ganyan ang reply nya. Unless gawa2 nla yng attourney na yan. Ako syo push mo yan, kaya mo yn anjan nman family mo gagabay syo. Tinapak tapakan na nla pggng nanay mo, mag tablahan nlng kyo ganon nalang. Pag lumabas yn sa tulfo pahiya yng mga yan!!!

Magbasa pa

Continuation din ng comment ko na manganak ka muna: bago ka magdemand ng sustento, kailangan iestablish and paternity. Fine, magpa-DNA to establish paternity. Ang tanong, saan kayo kukuha ng pampa DNA? Are they mandated by law to pay for it? No. So yung pampa DNA, pang anak mo nalang sana. For the best interest of the child, iprioritize mo ang pagdeliver safely over your problems with them being walang kwenta. PS: im really curious why the bulak issue comes out over and over. Ano ba sinabinng nanay mo prior to the screenshot you sjowed last time?

Magbasa pa
5y ago

Opo ty po

VIP Member

Menor de edad ka pa kaya pwedeng pwede makulong yan. Let's just say na safe nga sa abroad ang lalaki na yan pero hinding hindi na sya makakabalik ng pilipinas dahil once na tumapak sya sa airport eh dadamputin yan kung magkakaso kayo sakanya. Sa panahon ngayon di na mahirap magpa deport ng tao lalo na kung may mga malalapitan na para hingian ng tulong kagaya ni tulfo. Baka mangliit ang kayamanan nyang pamilya ng ex mo pag nadampot yang lalaki na yan 😇

Magbasa pa

Pa-tulfo mo na sis. Kahit para nalang sa baby makuha nyo yung nararapat na sustento. Yung hirap ng pagbubuntis, kayang kaya mo e, pero yung stress na binibigay sayo nung lalaki, i doubt. May mga libreng gamot po sa public hospital, then minsan halos wala ka nang babayaran. Yung pamangkin ko, minor din sya nung nanganak and halos konti lang binayaran nila sa hospital. Sana healthy pa din kayo ni baby kahit stress ka. Stay strong sis.

Magbasa pa
VIP Member

hinga po kau malalim. wag nyo na po imessage. ideretso nyo na po sa kaso. patulong po kau sa public attorneys office para alam nyo po san mgsisimula. wag po kau mtakot ipaglaban karapatan ng anak nyo. para yan sa future nya. sabi nila if file kau wala makuha anak nyo. mali po sila. iddemand po ng korte na mgbigay sila pgnanalo kau. at menor de edad kau. considered rape un khit with consent.

Magbasa pa

Ipakulong nyo!! Jusko di sya deserving.. Ska kung magpapaDNA, sila na dapat gumastos nun..grabe mga gnyan lalaki..prang kinukunsinti ng mga kapatid ama ng anak mo aa.. Ako nagsumbong ako sa dswd, meron na sya record dun..ngayun di na sya mkatanggi pra sa suporta ng knyang anak😂😂 step by step muna..kpg tinanggihan, edi tulfo na

Magbasa pa