Birth Story

May 15, 2020, ng umaga nakakaramdam na ako ng sakit ng puson, pero sobrang kaya pa nman kaya di ko nlng pinansin.. Di ko rin sinabi sa asawa ko since may pagka praning sya? Hanggang sa gabi na, mejo lumala na ung pagkirot nya. (Puson) Maya't maya dn ako nakakaramdam ng pagbabawas pero every time i tried na magbawas wla nman nalabas... Hnggang sa ayun na sunod sunod na nga skit nya.. Mas lumalala na dn ung pagkirot nya.. Anyways, 39weeks and 3days na ako that time.. Hnggang sa hndi ako pinatulog ng maya't maya nyang pagkirot. At ng mejo napapaisip na ako kung labor naba un.. I chatted my ate, i ask kung naramdaman nya dn ba nararamdaman ko that nung manganganak na sya.. sabi nya ou daw and mag ready na dn daw ako at anytime daw pwde na ako manganak.. Hanggang 12:30 umihi ako, after ko umihi may naramdaman akong lumabas sa p*p* ko, tiningnan ko may dugo na.. Pero kunti lng nman.. Then i remember sabi ng OB ko pag may kunting dugo daw na lumabas skin.. Ok lng daw un.. so hndi ako nagpanic..balik higa ulit ako.. Then di po tlga ako pinatulog sa maya't mayang pagkirot ng puson ko. Kinaumagahan sinabi ko sa asawa ko na nasakit na nga puson ko at hndi nga ako pinatulog.. So, sinabi nya sa nanay nya (byenan ko) na nasakit na nga puson ko.. pero sabi nila wla pa daw un, kase kung manganganak na ako dpat daw masakit dn balakang ko, so abangan ko daw na sumakit nga balakang ko.. Pero wla tlga ako naramdaman na pananakit ng tyan ko. At naglakad lakad dn kmi that time ng asawa ko sa labas, naka dalawang ikot lng kmi kse natindi na tlga pagkirot ng puson ko, napapatigil at napapakapit ako ng mahigpit sa asawa ko tuwing nakirot puson ko. At hnggang dumating ang alas 11, sabi ko gsto ko ng tinola so, nagluto pa ako sa kabila ng pananakit ng puson ko.. Then, tinixt ko OB ko kung natural lng na nararamdaman ko, sabi nya sign na daw ng labor un at pagdi na daw kaya pumunta na daw ako sa clinic (Lying in lng po ako nanganak) After kumain, naligo na ako tagal ko oa nga sa CR dhil sa pabugso bugsong sakit ng puson ko.. Sinabi ko na dn sa asawa ko na iready na gamit ko at pupunta na akong clinic para mag pa IE, Hanggang sa ito na nga 1pm May 16, 2020 nagpahatid na ako sa lying in, hipag ko kasama ko that time since IE lng nman dpat ung sadya ko dun pero incase, dala na namin gamit ko.. Hndi kasama asawa ko that time since bawal tatlo sa tricy, kaya babalikan na lng sya. Then pagdating nmin ng clinic In'IE agad ako, gulat ako 7cm na pala ako that time, tuwang tuwa pa nga skin midwife ,dhil ako lnh daw ung 7cm na nakakatawa at nakakadaldal pa?? Then nilagyan nila ako swero, which is pampahilab pala... Sabi nila antayin daw namin na pumutok panubigan ko.. 1:45pm di pa rin naputok panubigan ko kya pinutok na ng widwife ko.. Tpus un nga doon na tlga sumakit ng bonggang bongga puson ko, ung tipong pinag susuntok ko na ding ding? At sbi ng midwife sbihin ko lng daw kung natatae na ako, sabi ko na nga natatae na po ako, at un nga tinawag nya ung OB ko, ako sinabi, sige ate tumae kna.. Un pala manganganak na ako, Shit hirap umire ??? Buti nlng nlng sa pang apat na ire finally nailabas ko na dn si baby.. Thanks to G.?? MAY 16, 2020 02:12 nailabas si baby 7pm nakalabas na kmi ni baby Via normal With tahi?? 3.2kls

32 Replies

Congrats Sana sa second baby ko July kabuwanan ko Sana mabilis Lang Lumabas sa 1st baby ko kase talagang Hirap ako Naka oxygen pako non e KAYA Hinde Talaga ako Pwde sa mga center

I will pray for you momsh.. GoodLuck sau😇

Ako po sobrang nahirapan ako mag ire as in inabot na ako ng tatlong oras sa pag ire lang di kase ako marunong. Buti nalang nainormal ko rin sya.😊 4days na kame.

Ung anak ko nman humaba ung ulo.. Hndi ko nga alam kung napanu since alam ku nman na dire deretso ako umire.. Sbi nila baka sa pag hila nila.. Pero ngaun mejo ok na ulo ni baby, hilot hilot lng..

hello ano ginagawa mong exercise or something ? sana all ganyan lang maglabor 🥴🥰 btw. Congrats momsh

Hehe.. GoodLuck Momsh.. Bsta lakasan lng ng loob yan😇😇 Wag iisipin ang sakit, si baby lng isipin😁

Congrats po and welcome to the world baby sana ganyan din ako

Congrats momsh... Sana ganyang kabilis din po ako manganak

Lakasan lng po ng loob.. Wag nyo isipin ung sakit at wag rin po kau kabahan.. Isipin nyo lng si baby sa kabila ng lahat ng sakit..

Congrats momshie.. Nung tinahi ka pu ba may anesthisia??

Meron po.. Kung hndi ko po ramdam pag punit ng pwerta ko.. ganun ko nman karamdam ung pagtahi🙁

Wow! Sana all madali lang manganak! Congrats! ❤

Kaya nga po eh.. Pinaantay dn nila pumutok panubigan ko.. eh hndi nman pumutok.. Panu pala kung inantay ko pumutok eh di sana sa bahay na ako nanganak, since 7cm na pala ako that time 😁

Congrats! Sis, nilabasan ka ba ng mucus plug??

Opo momsh.. pero kunti at isang beses lng po

Congrats sis.Sana makaraos na din ako

Kailan due date mo sis?

Wowww congrats momshies☺☺

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles