Tutal hindi ako maka poop dito ko na lang ilalabas yung literal na sama ng loob ko. hehe

14 weeks na si baby ngayon pero naaawa ako kasi mas naranasan nya pa yung stress mula sakin kesa maging masaya. Hindi ko masyadong kinukwento to kahit kanino dahil alam ko naman na pag pinayuhan nila ako e hindi ko yun susundin. Mahaba haba po ito kaya sana pagtyagaan niyo gusto ko lang ilabas sama ng loob ko. August 16 ko nalaman na buntis ako. 6 weeks and 4 days na yung tyan ko nun. Hindi ko iniexpect talaga. Magpapa check up lang sana ako kasi nakaka bother yung sakit ng puson ko. Delayed din ako pero di ko naisip na buntis ako. Naisip ko na baka naapektuhan nung vitamins (enervon) ung cycle ko. Masakit ang puson at breasts ko kaya feeling ko talaga magkakaroon ako. Pero nag positive sya nung nag PT ako. Sinabi ko sya sa bf ko at ang sabi nya lang sya raw bahala. Natatakot din kami kasi mga early august panay away kami as in malalang away. Nasaktan ko pa sarili ko nun dahil sa sobrang frustration sa pag aaccuse nya sakin na may iba ako kahit wala naman. Napaka OA neto pero patay na patay ako sa kanya. Lagi akong umiiyak sa harapan nya nun at nagmamakaawa tapos nagkakaayos din kami after nun. Natakot kami na baka naapektuhan si baby. 7 weeks nagpa transv ako, awa ng Diyos ok si baby. Okay rin ung pwesto nya. Kala ko magiging okay na yung lahat. Kala ko magiging maayos na pagsasama namin. Na hindi na sya magiging makasarili at iisipin nya na buntis ako at pwede maapektuhan yung bata once na awayin nya ko uli. Pero hindi, lalo lang lumala. Kung ano anong masasakit na salita sinasabi nya sakin such as kukunin nya raw yung bata pag nailabas ko na kasi di ko naman kayang buhayin after nun maglandi raw ako hanggat gusto ko. (only daughter lang ako at kami lang ng mama ko ang magkasama. Ako lang ang nagtatrabaho at may sagot ng lahat expenses dito sa bahay pati pampagamot ng mama ko thru hmo from my company kasi may breast cancer sya) sumagot ako ng mahinahon na hindi nya pwede kunin sakin anak ko kasi sya na lang meron ako. Sya lang sapat na sakin. Tapos ang sagot nya lang, "sa landi mong yan?!" Dumating sa point na gusto nya pa DNA yung bata paglabas para malaman na sa kanya ba talaga yung dinadala ko. Lagi ko sinasabi sa kanya na hindi ako ganung klaseng babae. May attitude ako minsan at maldita pero may konsensya ako. Kako tatanggapin ko na lahat ng sasabihin nyang masasakit tungkol sakin, insultuhin nya pagkatao ko, titiisin ko lahat wag nya lang ideny yung bata. Ayoko sya madamay sa problema namin. Lagi ko sinasabi sa kanya na lagi ko sya hinahabol hindi dahil sa sustento. Tao lang din ako nasasaktan at naiinsulto. Kaya ko igapang ung anak at nanay ko ng ako lang mag isa kahit walang tulong nya. Nagtitiis ako kasi mahal ko talaga sya. Natatauhan naman sya pero minsan pag sinusumpong sya grabe talaga. Dumating sa point na napagbuntunan ko si baby. Umiyak ako sa mama ko tas sinabi ko na ayoko na nito. Dahil kung ano ano na naransan at narinig ko dahil sa nabuntis ako. Yung mga tita ko na nagpaaral sakin ng college e galit na galit sakin. (Naka graduate na ko 4 years ago) pero later on, na guilty ako at sorry ako ng sorry sa baby ko kasi wala naman sya kasalanan dito. Wala syang kamalay malay. Naaawa lang ako na prang feeling nya di warm ung pag welcome sa kanya ng mga tao nung nalaman nila na buntis ako. Sa ngayon, ayoko man. Pero binubuhos ko na lang yung pagmamahal ko na natitira para sa tatay ng baby ko. Hinihintay ko na lang na mapagod ako. Habang tinatype ko to, iyak pa rin ako ng iyak. Nag sosorry na lang ako kay baby na sana pasensyahan nya muna ako sa ngayon at higpitan nya lang kapit nya since ilang beses na ko na diagnose ng threatened for abortion sa sobrang stress.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Know your worth. Kubg ako yan, kung ako yan ha, nakipagbreak na ako. wala na kasi akong nakikitang respect sa kanya eh. Kung bastos bastosin ka ganon na lang.

5y ago

Naku, yan lagi nasa utak ko. Lagi ko sinasabi sa kanya na never kong naranasan na maapi ng kahit na sino simula bata ako dahil marunong akong lumaban at hindi isang tulad nya lang makakaapi sakin at sa anak ko. Kaso wala momsh, tanga e. Naiinis na rin ako sa sarili ko kasi lagi ko sinasabi na 'di ko deserve to at ng anak ko' ng paulit ulit pero wala talaga. 😔

Someday po, pwede kang iwan ng bf mo pero yang anak mo, never kang iiwan. So please po, paramdam mo yung deserve niyang love.

5y ago

Welcome po.😊