Maselan
14 weeks na ako, nasa second trimester na pero ang pagsusuka d parin nawawala. Dati nakakain pa ako sa time na hindi ako nasusuka, pero ngayon may mga araw na buong araw sinusuka ko lahat ng kinakain ko pati tubig. Nahihirapan na ako, nag alala na din ako sa baby ko kasi d ako maka kain ng tama at wasto. Dati sa crackers nakakatulong ngayon hindi na. Lagi ng tumutunog tiyan ko kasi wala nang laman at walang nakakain. Sino ba ang naka experience nito at paano nyo nalagpasan? Thank you sa sasagot.