14 weeks and 6 days na ako.
Umaga okay okay pa ako, after ko mag poop. Medjo nag iba na pakiramdam ko, sumasakit ang tyan ko at balakang ko. Medjo di ko ininda kasi kaya naman. Pero habang tumatagal nag iiba na pakiramdam ko talaga. Sinubukan ko uminom ng warm water, umupo ako pero naiiyak na ako sa sakit. Maya maya humiga ako, naiiyak na talaga ako kasi sobrang sakit. Bumangon ako at umupo, nanlalamig na ako sa sakit. Pero mga ilang minuto medjo nawala siya, nakatulog ako dahil nanghina na ako, tapos nung nagising ako kumain ako ng kaunting lunch, tapos nag pahinga ulit ako. Hapon na pero sumasakit pa din kapag kumikilos ako. Nag bed rest lang ako. Sa dinner kumain lang ako ng sopas, uminom ako anmum. Tapos ininom ko din mga meds. From my OB. Maya maya nakaramdam ako ng parang nasusuka ako. So pumunta na ako sa cr. Naisuka ko na lahat. Buong araw din ako dighay ng dighay, masakit tyan ko. Bloated. Pero nung nasuka ako. Medjo gumaan pakiramdam ko.
Hindi ko alam if ano ba nangyari sa akin kumain lang ako ng kalamares kahapon ng gabi tapos nag orange juice ako na fresh, tska anmum. Tapos nag agahan ako ng fried rice at maling, tapos gatas.
Bukas babalik na ako sa OB ko kahit d q pa sched para lang malaman ko if kamusta ba lagay namin ni baby.
Na share ko lang sa inyo mga soon to be mommy and mga mommy. Bka kasi my kaparehas ako ng dinanas.