14 WEEKS AND 1 DAY, STILL UNCOMFORTABLE NA PAKIRAMDAM

Hello, 14 weeks and 1 day na ako nagbubuntis pero yung pakiramdam ko not yet totally okay, kailan kaya talagang babalik sigla ng katawan ko. Yung tiyan ko hindi ko maintindihan palagi, nasusuka na parang kumakalam na ewan. Meron bang same case Ng saakin? Hirap pa din kumilos ng maayos lalo na kapag gabi 😭 #adviceplease #concern #pregnancy #respect_post

5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

pag tong2x ko sa 2nd tri feel better compared sa 1st tri po, puyat talaga din ako sa 1st tri (suka, pagod mag byahe kahit malapit lang, daming ayaw) but sa 2nd try started to have an energy na, nakakain narin ng kunti, hindi na masyadong nagsusuka. pero take note iba2x kase ang pag bubuntis meron iba hanggan 9 months talaga. Pag kakain takpan ko yung ilong ko para hindi ko malasahan ang pagkain para hindi ko maisuka, hirap ang 1st tri kasi kahit pag inom ng tubig hirap ako.

Magbasa pa

kailan babalik sigla ng katawan mo???? pag malaki na yang binuntis mo mieπŸ˜†πŸ˜­πŸ˜­πŸ˜­ sa panganay ko akala ko talaga after first trimester okay na Kaso pag 2nd to 3rd iba na namang pakiramdam maramdaman mo tapos pag panganak akala ko oks na kaso masama padin pakiramdam mo dahil sa pagod at puyatπŸ˜† matatawa ka nalang talaga

Magbasa pa

mommy ako ung first baby ko ang selan ko pero ngayon second baby ko 14 week parang normal parang di ako buntis lumalaki lng tyan ko .di ako nakaranas nang hilo suka or maselan sa pag kain.

Ganyan dn ako 1 week gang 13 weeks hinay hinay dn naman nawala mi after ko kumain nasusuka na ako walang gana tamad. Matamlay dn πŸ˜‚ pero now okay na

same case po mii mas lumala ngayon compare sa 1st tri,,naiiyak nlang talaga ako