Birth Control Pills
14 months na si baby. Lately pa lang ako nagstart ng family planning kasi ang higpit before mag-commute. Now lang medyo maluwag kaya lately lang nakapag-ask ng family planning sa health center malapit samin. Pills pinili ko kasi yun yung feeling ko mas suitable sakin. Nagstart ako mag-pills nung September 28. Tapos kahapon at ngayon nagsa-spotting ako with crumps na parang same pag may mens ako. Ang next expected period ko as per my period tracker is sa October 17 pa dapat. Now, my question is, sa mga nagpi-pills na mommies jan, nagbi-bleeding din ba kayo ng ganto while on pills? Anong pills po gamit niyo? I'm currently using Daphne po. Yun po yung binigay sakin sa center.
Mummy of 1 superhero son