βœ•

7 Replies

ganyan favorite ko pwesto namin ni baby. mas ok yan kesa karga mo siyang tulog. nakakangalay un. dahil sa kakakarga nagkaron nako ng mommy's thumb. tinitiis ko lang ung sakit. pwede ka rin makaidlip jan eh. basta hindi ka malikot matulog. maglagay ka malalaking unan sa magkabilang side mo. yung baby ko nagigising siya sa pag unat unat niya. mag-two months pa lang siya. kapag ganyan pwesto, mabilis ko lang siyang mapakalma pag gumalaw at nag-unat unat. konting tapik tapik lang sa puwet. nilalapag ko lang siya pag tulog na tulog na tlga. 😁

16 days old baby ko today. Ganyan din gusto nya since last week. Burp time namin tulog time nya din. Tapos pag ilalapag sa higaan nya iiyak na nman kasi gusto dede, tapos burp time na nman. Ikot-ikot lang mii πŸ˜…πŸ˜… Tsaka na sya nalalalapag if tulog na tulog na talaga sya.

Gusto po ng mga babies especially newborn na malapit sa mommy nila kasi nasanay sila sa closeness nung nasa loob pa tummy. Need po nila ang skin to skin. Enjoy nyo lng po ang ganyang stage kasi pag laki nila tatakas na sa inyo yan, kayo na maghahabol 😊

be careful po sa sudden infant death. usually ganto ung possition nila pag nawawalan ng oxygen.

Hindi Naman mamsh. ganyan din position Minsan ng baby ko pero maayos Naman kaming nakakatulog

nakatulugan lang dahil ganyan mo sya ipwesto. balik nalang sa higaan pag nakatulog na.

favorite sleeping position din yan ng baby ko hehe umiiyak sya kapag ibinababa ko sya πŸ˜…

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles