Abnormal bleeding

13 weeks na po akong pregnant sobrang worried lang ako kasi pag naihi ako may nalabas na dugo, pero pag nakaupo, tayo or higa naman ako wala nalabas pag naihi lang talaga. Nakailang check up na ako, okay naman si baby at may heartbeat sarado din ung cervix ko pag chinecheck. Nag tatake ako ngayon ng heragest. Ano pa kaya pwede ko gawin para mawala ang worries ko? ☹️ #help

13 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

San lumalabas ang dugo mi? Sa pwerta mo ba or sa urethra or labasan ng ihi? Double check mo. Nakaexperienced ako na may kasamang konting dugo ang ihi ko and UTI pala yun. Pero yung nag light spotting ako nung 5mos ako talagang pinag heragest din ako saka pinag bed rest. Avoid ding long walks at matagalang tayo kasi low lying pala placenta ko or yung inunan. Pero now na 33weeks na ko high lying na ko sa awa ng Diyos. Balik ka mi sa OB for advice.

Magbasa pa
3y ago

feeling ko mi sa labasan ng ihi eh. Kasi every check up ko lagi naman sarado cervix ko nakakailan na po akong check up pero hindi nawawala. Lilipat ako ng Ob and check up ko tomorrow. Mag request nalang din siguro ako ng urinalysis para matingnan kasi feeling ko UTI nga. Saka lang sya nag blebleeding pag matagal ako nag pigil ng ihi like pag babangon ako sa umaga. Wala naman nasakit sakin kahit ano. medyo brownish ung blood.