Depressed and stressed
11 days na since manganak ako via CS, d ko maintindihan sarili ko. My time n nababalisa ako, minsan umiiyak na lang ako kc kung ano ano ang pumapasok sa isip ko, like naaawa ako sa panganay ko. 6 years old siya, cguro naaawa ako sakniya kc palage ko siya nauutusan, tapos d ko siya mapaliguan although kaya niya naman maligo mag isa. Basta mga bagay na dko na magawa sakniya, tapos tatanong p nya kung kelan pwede yakap samin. Then ung husband ko, hindi din sya sanay na mag asikaso s srili niya. Naiinis din ako kc na cs ako, kung normal kc mdali lang ang lahat. Tapos pera pa. Wala din ako gana kumain, pinipilit ko na nga lang para sa mga anak ko. Sa gabi napapatawag nalang ako ky Lord, ang hirap ng pinagdadaanan ko. Pero naiisip ko, kailangan kong kayanin dahil mas nakakaawa ang mga anak ko pg sumuko ako. #advicepls #theasianparentph