Namumutla at malamig ang mga kamay ni baby.

10 months old po baby ko, maputla po siya mula labi kamay at paa. Sa gabi naman po ay kada pupunasan ko siya at bibihisan ay malamig po kamay niya, kasabay parin po ang putla ng kamay at paa niya. At kada papakainin ko po siya hindi po siya malakas kumain, kumbaga po ay dalawa o tatlong subo lang ay aayaw narin po siya agad. Normal lang po ba yon? o hindi na po? Pinapatake ko naman po siya vitamins, tiki tiki at celine. First time Mom po ako, at wala pong ibang nagtuturo sakin kung paano at ano po dapat ang gawin. Breastfeed rin po si baby ko Kaya nagbabakasali po ako rito na baka po ay may makatulong sa akin kung ano po ba dapat gawin. Maraming salamat po.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

baka po anemic si baby.. pacheck up niyo na po para mabigyan ng tamang gamot..

not normal. dalhin mo na po sa hospital para macheck.

2y ago

pero masigla parin naman po siya mi, hindi po ba yon normal? need na po ba ipatingin?