Wala pang ngipin c baby

10 months na po c baby Peru wala pa rin lumalabas ngipin... Any advice salamat po #1stimemom #firstbaby #theasianparentph

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Actually ang titibay ng mga late lumabas yun teeth kaya wag ka magworry mommy tutubo din yan.. Panganay ko 10mos tinubuan ng ngipin.. Pamangkin ko 15mos tinubuan at ang titibay ng ngipin nila😊 eto naman 2nd born ko ang mukhang maaga magngipin😅 kaya wag ka magworry mommy. Pag toothless pa rin na mag 2yo na yun po ang dapat ikabahala.. Sa ngayon po wala ka dapat gawin kundi pakainin si baby ng nutritious foods at milk❤️ iba iba talaga ang development ng babies❤️

Magbasa pa
2y ago

salamat momshie😊

Okay lang yan mii. Iba iba talaga sila😅 Yung 3rd child ko nga nag one year old siya dati na nakasilip plng dalawang ngipin sa baba. While my youngest naman, 4months nagstart tubuan ng ngipin. 8months siya 8 teeth na. Nung nag one year nman siya, may 8 teeth na naman sabay sabay tumutubo. So yun dont worry mii, tutubo rin yan😂

Magbasa pa
2y ago

😅thanks

Huwag kang kabahan may mga ganyang babies talaga. Makikita mo den yon. Late den nagkangipin baby ko, mga ganyang buwan den ata. Nung 1 na s'ya naging apat apat naman sa taas at baba. Ngayon 1y6m na s'ya ganon pa den. pero may mga signs naman ng bagong palabas. Ganon siguro talaga. lalabas yon sa tamang panahon. ☺️

Magbasa pa

oks lang yang mamsh. iba iba po ang bata. anak ko tinubuan ng ngipin nung 1yr old sya. 4 sa taas 2 sa ibaba, sabay sabay. tapos nung nag2yrs old sya another tubo na naman. parang abnoy nga kase natubo lang every yr 😂 ngayon 3 na sya complete na.

My baby ten months lumabas yung upper tapos labas until 8 na ngipin then yung molar nya lately lng 1 year and 7 months.malapit na na complete teeth nya.sa molar lng cxa ng ka lagnat at ubo.

VIP Member

okay lg po yan momsh, si baby ko nga tinubuan palang ng ikalawang ngipin sa baba. 10m na baby ko, yung anak ng tita ko 11m pero anim na ang ngipin, dalawa sa baba at apat sa itaas. 😍

wait lng po kayo mamsh iba iba po kc development ng baby sa pamangkin ko po almost 1yr xa nagkaroon ng first ipin den sunod sunod n po yun..

Baby ko nga mi mas nauna pang lumakad kesa magka ngipin e. haha 1 year and 1 month na sya nagka ngipin.😁

Ung baby ko tatlo sa baba apat sa taas 9 months pero.mas ok daw ganyan matibay late magkaipin sabi nila

TapFluencer

okay lang po yan, wait niyo lang po. ang baby ko po, a day after ng first bday niya tinubuan ng ngipin