Baby Blues

1 week na since nakapanganak ako, 36 hours naglabor at nagstay sa lying-in, hindi kinaya dahil ayaw bumaba ni baby kaya ilang hospital ang pinuntahan namin habang tumatagas ang panubigan ko. Sa 9th hospital dun na kami tinanggap, di ko iniisip yung sakit. Nauwi ako sa emergency CS and di ko nasilayan si baby until makauwi kami after 3 days. Simula nakauwi kami, nakasama na namin ng hubby ko yung mother niya, sobrang pressured sila sa akin na dumami breastmilk ko, nagsulputan yung mga taong wala naman during my pregnancy journey. Even yung mga ate ni hubby na wala naman experience pa sa pagbubuntis at wala pang pamilya, ginigisa nila ako ngayon na nagpapakampante lang ako at di ko pilitin na dumami yung gatas ko. Simula nakauwi kami from Hospital, feeling worthless ako, parang wala akong say at ambag sa sariling pamilya ko, bilang ako yung mommy na nagbuntis at nagpakahirap sa baby ko. #1stimemom

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

unli latch lang po mommy. lalakas po yan. nakakalungkot lang na ang thinking ng ibang tao ee kapag di ka nakakapag pabreastfeed ee masama ka ng ina. di naman yun ang batayan ng pagiging ina. baka kaya din po mahina ang milk supply mo dahil sa stress na dulot nila πŸ˜… motherhood is something to be cherished. mahirap man silang iwasan pero baka makausap mo si hubby to voice out your feelings towards his part of the family. keep safe

Magbasa pa