RASHES OR ECZEMA?

1 month and 20 days na si LO ko and mag iisang buwan na din yung nasa mukha niya πŸ˜” napatingin ko na sa center yan and binigyan kami ng calamine yung para sa rashes kaso tinigil ko kasi parang lalo lang nalala. And ngayon puro breastmilk ko nalang ung pinapahid ko. Kahit sa paligo niya may halo ng gatas ko. And diko na din sinasabunan yung mukha niya. Mag 1 week na puro bm ko pinapahid ko. Kaso di pa din nawawala πŸ˜” nasstress nako. Tas nagkaroon na din siya ng parang balakubak sa uloπŸ˜”di pa nawawala yung nasa mukha niya, yung ulo naman niya πŸ˜”Nagmumuta din pala siya yung right eye lang niya mag 1 month na din may ointment din binigay pero tinigil ko din kasi sa eyebrow siya nilalagay and napupunasan ng kamay ni LO kaya di naderetso sa eye niya. Pinapatakan ko nalang din ng bm ko kaso until now nagmumuta pa din siya. Ok naman siya malakas dumede. Naawa lang ako lalo na yung sa mukha niya parang ang kati kati πŸ˜” ano kaya yan neonatal rashes ba yun or eczema na? Cetaphil na yung sabon na gamit ko sknya. Any advise po kung normal pa din ba yan πŸ˜” #pleasehelp #firstbaby #firsttimemom #advicepls

RASHES OR ECZEMA?
5 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

gnyan din po si baby ko, 1month din halos yung mga rashes na umabot pa sa leeg at batok na at buong muka, itinigil ko yung gmit kong sabon sa knya, at dko na din sya nlalagyan ng powder kase iniisip ko na bka dahil sa sabon at powder pero hindi parin tlga nawala, hnggang sa ngpabili na ako ng ointment pra sa rashes pro gnon prin mas lalong dumdami. Kaya ayun pnalitan ko yung tubig na gnagamit sa knya pure mineral water paligo nya, hayyssst yun lang pla ang problema ni baby dahil sa tubig na gngamit ko 😩 and thank god after a day lang when i using mineral nawala mga rashes nya as in prang hnipan yung muka nya kuminis na ulit πŸ₯°

Magbasa pa
TapFluencer

hello po ganyan din second baby ko as in nag one month na sya na ganyan, may eczema daw. ang ginamit po namin ay Soducrem na advice ni pedia nya then pinalitan namin ng Unilove baby bath ang sabon nya na dating Cetaphil. Then sabi din ni pedia ay maging aware sa mga sabon panlaba ng damit ni baby kasi very sensitive pa ang mga skin nila so be wise in using detergent, ang pinalit po namin ay Unilove Baby detergent and fabcom. Hindi po ito ads hehe pero try other products din po. Hiyangan lang talaga kasi iba iba po mga skin ng babies natin. Hope this helps🫢🏻

Magbasa pa

hi po mommy, stop po muna kayo maglagay ng breastmilk sa mga rashes ni baby lalo na po yung sa mata.. kung kaya po ipacheck up sa pedia mas maganda po para mabigyan po kayo ng tamang advise sa sabon or gamot na kailangan .lalo po kasing ma-irritate rashes niya at baka ma-infect lalo yung mata niya...

Magbasa pa

Nagkaganyan din ang baby ko 2weeks ago sobrang dami sa mukha. Per Pedia nia eczema daw. Cetaphil na din gamit nami non na sabon pero pinapalitan nia ng Cetaphil AD PRO na wash & AD PRO na moisturizer. So far nahiyang baby ko nawala na sa kanya 😊

mommy try mo eczacort..ganyan resita ng pedia ng anak ko..bilis mawala