Fyi PAGSUSUKA

#1 DAPAT IWASAN KAPAG NAGSUSUKA ANG ATING MGA ANAK Nakamamatay ang dehydration. Madalas kung ang pagtatae ay may halong pagsusuka, mas delikado talaga. Kaya naman importante na alam natin ang gagawin o dapat natin iwasan pag nakaranas ng pagsusuka ang ating mga anak. Sa post na ito, i-share ko lang ang isang bagay na madalas natin ginagawa na dapat natin itigil upang maiwasan ang paulit-ulit na pagsusuka ng ating mga anak. Madalas, dahil sa takot natin na ma-dehydrate ang ating anak, nagkakandarapa tayo na painumin sila agad ng gatas o tubig! Maraming sa atin ang gumagawa nito. Kapag nasa loob ng clinic o emergency room, nakikita ko talaga na pagkatapos punasan ang isinuka ng bata, ang kasunod agad ay tubig, gatorade, o kaya gatas. HUWAG GALITIN ANG MASUNGIT NA TIYAN Ang dami ko kasing mga pasyente na nagsusuka the past few days. Kaya ko din naisipan i-share sa inyo ang tip na ito para lumawak ang ating #knowledge at maka-iwas tayo sa pagpapa-ospital. MAHALAGANG PAALALA: Pag nagsuka ang ating mga anak, or kahit na sino sa atin, tandaan na mag hintay ng at least 30 minutes bago uminom ng kahit ano. Bakit? Simple lang naman ang paliwanag. Tuwing nagsusuka tayo, isipin niyo nalang na galit ang ating tiyan! Ito ang dahilan kung bakit niya pinapaalis ang kaniyang mga bisita. Kumbaga, gusto niyang mapag-isa! Para maglinis ng bahay or para lang mag-relax - hindi natin malalaman ang tunay na dahilan :))) Kaya kung kakasuka lang natin, tapos lalamanan agad natin ang tiyan, naku eh di lalu siyang magagalit! Tiyan: "Bwisit naman 'to sabi kong ayaw ko ng kasama bakit nandito na naman kayo!? Alis!!" Ang ending ay susuka na naman tayo at magkakaroon ng paulit-ulit na pagsusuka. 😞 Dito na nagkakaroon ng high risk for dehydration and hospitalization! Kaya sa susunod na nagsuka ang mga anak natin, pakalmahin muna ang tiyan 🙂 Bigyan siya ng time na makapag-relax, makapag-ayos ng bahay, hanggang sa ready na siya ulit tumanggap ng bisita. 🙂 After magsuka, wait AT LEAST 30 minutes before giving water sa ating mga anak. Clear liquids ang the best and try to avoid milk 🙂 If breast milk, much better! Pero ang formula at flavored milk ay maaaring makapagtrigger ng vomiting at dapat munang iwasan 🙂 O siya. Yun lang muna sa ngayon. Napaka-simpleng bagay kasi na dapat natin lahat matutunan. Pag nagawa natin ito ng tama, baka maka-iwas tayo sa check-up at mababawasan ang chance na masuweruhan ang ating mga anak. Ok diba? Dahil sa additional #knowledge, puwede pa tayo maka-tipid ng #money! 🙂 #Mindset natin lagi natin makatulong sa iba kaya share din natin ito sa mga friends natin para alam din nila ang gagawin! ✅ TCCIC (Take Care Cause I Care), Dok TJ #SharingisCaringTAP https://www.facebook.com/100067944001057/posts/pfbid0e6JVGngNiEjPoPZtkGUWVu9cSPgvqNbiKXQk6vq9rsjqkwGodAEkX3QcMgVgrZMPl/?mibextid=Nif5oz

 profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply