Breastfeeding mom pero may formula? Eh di mixed feed ka, tsaka hindi hiyang anak mo sa formula na uniinom nya kasi nagtatae ng tubig. Magfocus ka na lang sa breastfeeding, mag PURE BREASTFEEDING ka na lang kasi ang pagbibigay ng formula milk dapat may advise ng pedia so yung pagdumi ng baby mo hindi normal.
Yung newborn screening dapat magawa within 24 hours after nya maipanganak, pinaka late na yung 2 weeks. Sa case mo, late na late ka na kasi mag iisang buwan na baby mo.
Syempre tao din ang baby mo kaya nakakaramdam ng init at lamig, dapat yung temperature ng room tamang tama lang. Hindj masyadong malamig hindi din masyadong mainit. Mafefeel mo naman kung malamig ba o masyadong mainit.
Hindi maapektuhan ng malamig na tubig ang gatas mo. Pwede mo kainin lahat, IN MODERATION kasi ang general rule lahat ng sobra ay masama. And yes, nakakamatay ang sobrang pagtatae dahil sa dehydration o pagkaubos ng tubig sa katawan. Kung ako sayo tanggalin mo na formula milk, magfocus ka sa breastfeeding tutal nasa bahay ka lang naman. Wag mo.sasabihin na wala kang gatas, UNLILATCH kayo or magpasuso ka ng magpasuso hanggat gusto mg baby mo.
Anonymous