Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Queen bee of 1 naughty junior
My Birth Story
God loves you because of who God is,not because of anything you did or did not do. Everyday i prayed, Lord grant us a less painful, fast and safe delivery. A Testimony of an answered prayer(much more than we asked for). Meet Jacov Zeus C. Taguibao Ang Batang hindi pinag labor si mommy, ire lang daw sapat na. Born: 3/3/2021 Weighing 3.8 kgs via Normal delivery(punit pero di naman wasak)😅 Sharing my birth story on the side Feb 19, check up day sabi ni Doc 7 cm kana girl. Wala ka narramdaman contractions?pa admit, kana manganganak kana. Me: Wala pa naman po ako narramdaman. Pwede monitor ko nalang muna sa bahay yung progress since til march 1st week p naman po due nya. Mag bbday muna ako.😅 Doc: Kaloka ka, wala tlga. Cge pero pag ng show ka ng any signs ng labor punta kana agad e.r ha. Me: Ok po March 3 check up day ulit Doc: Higa ka,IE kita. Girl 9 cm kana. Ppa admit na kita. Wala k p din nararamdaman?Konting pampahilab lang yan lalabas na yan. Me: ng ccontract pero madalang po tas di naman po masakit. Since 1 day nalng 40 weeks na sya. Pumayag na ako mag pa admit at wag na mag hintay ng labor pains.😂🤣 Uwi ng bahay kuha ng gamit tas balik ng hospital. 8:20pm natapos ang covid swab and screening protocol fpr admission akyat agad ng delivery room Doc: O tara na, salang na natin yan. 9 cm n yan. Team: Tlaga Doc? Grabe wala man reklamo si ate..taas ng pain tolerance mo ate. sana all! Me: Kinabahan(expect ko mag wait2x pa kami mg active labor) ha pano ako iire Doc wala naman ako maramdaman na mapapaiire ako.(Dasal Lord law na bahala samin!) Doc: Bakit taas ng BP at heart rate mo? Me: Kinakabahan ako Doc.😂 Doc:Wag ka mag alala maya meron na yan. Sabay putok ng water bag at inject ng pampahilab.Kaya mo yan! Galing2x mo nga e. 5 mins later Me: Ayan Doc ramdam ko na. Na iire na ako. Doc: O cge iire mo lang. After 3 powerful push Tadaahh!!! Doc: Grabe ka! Ang laki2x! Kung ng hintay p tyo umabot p to ng 4 kgs. Me: Thank you Lord!
7 cm without any signs of labor/pain
38 weeks and 1 day na si baby nung feb 19 check up day. inIE ako ni OB 7cm na daw ako at sabi nya pa admit na ako. Pero wala akong narramdaman pa. walang water leak or any discharge. 2nd pregnancy ko na to by the way. normal delivery yung 1st born ko. meron b naka experience ng ganun dito? til now wala pa din any signs ng labor til march 3 p naman due date ko.😆