Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Excited to become a mum
Normal Delivery @38 Weeks
Reign Tyler May 8, 2020 1:33pm 2.800grams Normal Delivery 6am palang nakaramdam ako na Para akong nadudumi pero wala naman lumalabas. Unti Unti rin sumasakit Yung pelvic part ko pero wala pa sa isip ko na naglalabor ako. Pinakiramdaman ko muna sarili ko. Tapos every 2mins Yung sakit niya. Mawawala tapos biglang suntok Yung sakit. Mga 9am nagsabi na ko na parang naglalabor na ko Kaya nagpahatid kami sa brgy papuntang lying in clinic. Pag dating namin dun, Lalo pa siyang sumasakit pero may interval pa rin na mga 2mins. Naghintay pa ko muna ng halos 1hour sa midwife bago ako macheck. Hirap na rin ako maglakad, paika ika na sa sobrang sakit. Nung nag IE ako ng midwife, 5-6cm na raw. Need pa iobserve ng ilang oras Para mag fully delate na Yung cervix. 11:30am binigyan ako ng evening primrose intake ko daw Yung 2 tablets tapos pinakain muna ako. Mga 12:30nn hindi ko na talaga maintindihan Yung sakit. Tinawag na ko ng midwife para ma IE. Pinag diaper ako kaya di ako sure na pumutok na Pala panubigan ko. Nung chineck na nila, nasa bukana na ulo ni baby. Kahit hindi pa ko pinapaere, di ko na mapigilan sa sobrang sakit. Pinahinga ako ng malalim after nun baby's out by 1:33pm. Akala ko tapos na, pero mas masakit pa Yung tahi sa pwerta ko kesa sa labor. Masyado na pwersa yung pag ere Kaya napunit daw yung pwerta Kaya kailangan tahiin. Tinahi siya na parang walang anesthesia. As in parang wala talaga. Nahirapan sila kunin yung inunan kasi sobra sensitive ng balat ko. Finally natapos rin lahat. 1 and a half day lang kami sa clinic at nakauwi rin agad. Worth it naman yung hirap kung makikita mo yung pinaghirapan mo ng maayos at safe❤️ Sa mga FTM, trust Lang Kay God di niya kayo pababayaan? Thank you sa TAP dami kong nakuhang impormasyon dito na nakatulong sakin ng malaki.
Malunggay Capsule
Para saan po ba ang malunggay Capsule?
Ogtt
San po kaya pwede mag pa ogtt? Around makati? Hirap kase lockdown. Kailangan daw kase yun para maagapan kung may complications.