Cristine S. Antonio profile icon
PlatinumPlatinum

Cristine S. Antonio, Philippines

Contributor

About Cristine S. Antonio

Momma of 2

My Orders
Posts(5)
Replies(65)
Articles(0)

Akala ko normal na tao sya...

Nangyari ito ilang taon na ang nakakaraan. Kasama ang isa sa matalik kong kaibigan naglalakad kami papunta sa bahay ng isa pa naming kaibigan dahil nag imbita ito sa kaarawan ng pamangkin nya. Malapit lang iyon sa bahay namen pero dahil yung kaibigan ko ay malayu sa amin nakatira, kinailangan ko pa syang sunduin para sabay na kaming pumunta sa bahay ng kaibigan namen. Habang naglalakad nagtanong ang kaibigan ko kung saan kami dadaan, "Doon na lang tayu sa may gilid ng tangke, para malapit." Tugon ko. Nakita ko ang pag aalangan sa mukha nya ngunit malaon ay tumango na rin sya at sumagot ng, "Sige, pero bilisan lang natin maglakad hah, ayoko sanang dumaan dun eh." Napaisip ako kung bakit, at dahil sobrang na-curious ako hindi ko napigilan na tanungin sya. "Bakit?" Na sinagot nya naman. "Kasi diba doon nakatira yung dalagitang nirape?" Noon ko naintindihan kung bakit alanganin sya, may third eye kasi ang kaibigan ko na to kaya hangga't maari ayaw nyang natitrigger yun. Pero dahil sobrang napukaw ang interes ko nagtanong pa ko ng ilang bagay tungkol sa pangyayaring iyon. Nung mga panahon kasi na nangyari ang insidenteng iyon ay nasa Manila aku at kasalukuyang umuupa dahil nandoon ang trabaho ko. Nabalitaan ko na lang na may ganoong nangyari sa lugar namen dahil sa post ng kapatid ko sa socmed na hinahanap nga ang dalagitang iyon dahil ilang araw ng nawawala hanggang makalipas ang ilang araw ay natagpuan na ngang walang buhay. Pahapyaw rin naman na nagkwento ang kaibigan ko ng alam nya, hanggang nung malapit na kami sa may tangke ay bigla na lang syang lumipat mula sa kanan ko patungo sa kaliwang gilid ko. Hindi na rin sya nagsalita kaya nagtanong aku. "Bakit? May tao ba?" Umiling lang sya at sinabihan aku na bilisan namen. Nang makarating kami sa bahay ng kaibigan namen hindi na ulet namen napag usapan ang tungkol sa pagiwas nya noon, naging abala na rin kasi kami sa pakikipagkwentuhan at sa kainan. Nang umuwi kami hindi na rin kami sa ruta na iyon dumaan, hinatid kasi kami ng kapatid ng kaibigan namen gamit ang motor kaya hindi na namen kailangang dumaan sa short cut. Lumipas ang ilang araw at muli kaming nagkamustahan sa group chat, masaya ang kwentuhan namen at asaran na karaniwan naman namen ginagawa tuwing magkachat, hanggang sa naalala ko yung gabi na napadaan kami sa may tangke, nabanggit ko iyon sa kanila at nasabi sa iba pa nameng kaibigan yung naging biglaan reaksyon ng kaibigan namen na may third eye. Nakwento ko sa kanila na nakita ng kaibigan namen na nakaupo sa gutter yung "multo ng dalagita" Interesado na nagtanong yung iba pa nameng kaibigan na nasa chat room, pero ang ikinabigla ko ay nung magreply ang kaibigan ko na may third eye na paano ko daw nalaman na nakaupo sa gutter yung dalagita eh wala naman daw syang sinabi, at biniro pa ako na nagpapanggap lng daw ako na hindi nakakakita ng ganun. Bigla akong napaisip at inalala ang nangyari noon, biniro ko lang naman yung mga kaibigan ko na nakaupo sa gutter yung bata, pero ang totoo may nakita talaga akong nakaupo sa gutter ng gabing iyon, madilim sa bahagi na iyon ng kalsada dahil pundido ang streetlight pero sigurado akong may naaninag akong nakaupo dun ng gabing iyon, hindi ko na rin naman natingnan ng malapitan yung nakaupo kasi yun yung pagkakataon na biglang lumipat yung kaibigan ko at sinabihan ako na bilisan namen. Muli akong nagchat at nagtanong ng, "Totoo ba?" At kinwento sa kanila na may nakita talaga akong nakaupo doon at akala ko ay normal na tao na tumatambay sa labas at nagpapahangin, uso kasi yun doon sa lugar namen. Sumagot ang kaibigan ko na yun nga daw yung dalagita na ni-rape, sobrang naawa pa nga daw sya dahil sobrang lungkot daw nung nakita nya, nakayuko daw at sobrang gloomy ng itsura. Siguro daw kasi hindi pa rin nabibigyan ng hustisya yung pagkamatay nya. Kinilabutan na lang ako dahil hindi ko akalain na multo pala yung nakita ko at hindi tao. Kaya pala ni walang hawak na cellphone man lang na madalas gawin ng mga tao kapag tumatambay sa labas mag isa at walang kausap. Naawa na lang din ako at nanghinayang sa bata, magandang bata kasi iyon at nasa highschool pa lang, malayo pa sana ang pwede nyang marating sa buhay. Kung hindi dahil sa mga halang ang kaluluwa na gumawa ng karumal dumal na iyon sa bata, buhay pa sana ito at may magandang kinabukasan. Wala na rin kaming nabalitaan tungkol sa kaso nito, hindi ko na rin tinangkang dumaan sa may tangke simula ng gabing iyon. Tumataas ang balahibo ko maalala pa lang ang pangyayari at ayoko ng maulit. Naway maparusahan na ang mga salarin at matahimik na ang kaluluwa ng bata. #MagandangGabi

Read more
Super Mum
undefined profile icon
Write a reply