Ms. Xiena profile icon
BronzeBronze

Ms. Xiena, Philippines

Contributor
My Orders
Posts(7)
Replies(0)
Articles(0)

About medicine

Hi po.. yung OB ko po kasi may nireseta po siya saakin na dapat inumin daw po… bale yung gamot po is Quatrofol, Ascorbic Acid + Zinc tapos Oviral… nung first day po bale gabi ko siya ininom bago matulog, pinagsabay ko po yung tatlo ininom, medyo parang nahilo po ako pagkainom, napaupo nga po ako tapos maya maya natulog po agad ako kasi parang inantok po ako… sinabi ko po siya sa OB ko kasi natakot ako bigla baka di pala pwede yun kaso too late na bago ko narealize magtanong po… sabi niya lang OK. Tapos ayun po kahapon yung second day ng pagtake ko ng vitamins… bale ang ginawa ko naman po kahapon is nag inom po ako hiwa-hiwalay na kahit sabi ni OB is OK, bale yung pagitan po is 10 mins. Lang tapos inom na ulit ako ng sunod… bale po after ilang minutes, 20-30 minutes hindi po ako komportable sa loob ng 20-30 mins. Galaw po ako ng galaw, palipat lipat ng pwesto hanggang sa nagdecide ako tumayo at dumiretso sa lababo para magsuka.. tapos Ayon po nagsuka ako ng nagsuka… sinuka ko yung kinain ko noong hapon meryenda habang nasa work po… ang kinain ko po is proben street foods tapos yung calamares na binalot sa harina na nakatusok sa stick tapos rice na binili ko lang din po sa karenderya… tapos yung gabi ang kinain ko po konting kanin tapos sinigang na sabaw… pero yung nilabas ko po sa bibig is parang kulang orange or hindi ko alam if red na ewan kasi nakapatay ilaw sa may lababo part yung sa cr lang may ilaw… tapos po after ko magsuka yung naaamoy at nalalasahan ko po is dugo…. Kaya mas nattrigger po siya mas nasusuka po ako lalo kasi di ko gusto Amoy at lasa po…. Hindi ko po alam kung bakit…. Hanggang sa ayaw niya matapos ang ginawa ko po is nagkuha ako ng maanghang na panhilot nilagay ko sa ilong ko po para di ko maamoy… tapos nilabanan ko yung pagsusuka…. Nagmessage po agad ako sa OB ko pero until now wala po siya reply… ngayong gabi nagdadalawang isip po ako uminom ulit kasi wala naman po sagot yung OB Ko po… natatakot ako baka mapano si baby…. Pasintabi po pala sa mga kumakain… pahelp naman po ako huhu first time mommy po kasi ako… plus yung father ng baby wala Pakialam kasi Ayaw niya sa baby…

Read more
 profile icon
Write a reply

Hi po, I just want to share my story.. I am currently pregnant po and the baby is about 2 months..

The father is asking me to abort the baby.. kasi hindi pa daw namin kaya yung gastos tapos kapag tinuloy daw po yung baby madami daw po ng opportunity mawawala sakin.. masisira daw po plans niya para sa future namin kung sakali kasi yung baby need na din ipriority... chinese po father ni baby.. sakanila kasi bale po yung abortion is legal.. kaya naisip niya din po yun... pero gusto niya din po sana yung baby kaso mas nangingibabaw po yung sacrifice kasi hindi din daw magkakaron ng maayos na future si baby kung parehas daw po kami hindi pa stable... hindi ko po alam gagawin ko, first baby ko po to.. and hindi din po kasi ako mayaman pero may work po ako, yung work ko naman po is hindi naman mataas yung sahod though sa office siya pero mababa pa din po sahod.. bale po umuupa lang din po ako bedspace kasi aside po sa pagsupport sa sarili ko po sinusuportahan ko din sila mama sa probinsya po... kaya klumbaga yung sahod ko hindi lang po saakin... bale bread winner din po kasi ako... ako lang po as of now yung nagsusuporta sa family po namin... kasi yung kuya ko po may sarili na din na family... hindi ko na po alam gagawin ko.. sana maadvice niyo po ako... binigyan po ako ng father ng baby until tonight to make a decision.. pinarealize niya din po saakin yung mga possibilities kapag andyan na si baby... aware naman din po ako doon.. pero nakikipagmatigasan po ako sakanya na ayaw ko pumayag sa gusto niya at the same time sobrang lungkot po kasi andami ko ng mamimiss na opportunity plus if ituloy ko man po si baby iiwan kami ng father tapos isasama ko si baby sa inuupahan ko po na bedspace which is hindi po maganda.... napaisip din po ako sa magiging situation ni baby kung sakali.. pero gusto ko po si baby... pero natatakot din po ako sa mga pwedeng mangyari....

Read more
 profile icon
Write a reply