Rizafe Baccay profile icon
GoldGold

Rizafe Baccay, Philippines

Contributor

About Rizafe Baccay

Preggy Mom

My Orders
Posts(7)
Replies(16)
Articles(0)

Pagpapahalaga sa mga Ina

June 28, 2024 Magandang umaga po sa inyo. Ang mensahe pong ito ay isang pagkilala sa inyong pagiging isang mabuting Ina. Sa totoo lang, isa iyan sa mga napakahirap na propesyon ika nga, dahil bilang isang ina, di tayo pwedeng magretiro, tayo ay habangbuhay na Nanay o Ina. Napakaraming atas na kailangan nating gampanan, pangunahin na diyan ang pagdidisiplina at paggabay sa ating mga anak, mga gawain sa bahay , gayundin ang pagbabudget sa pera. Ngunit ito ay buong puso ninyong ginagampanan dahil sa pagmamahal sa inyong pamilya. Sa totoo lang, batid po ng Diyos na Jehova ang inyong mga pagsisikap at lahat ng inyong ginagawa, at alam niyo po ba kung paano inihahalintulad ng Diyos na Jehova ang mga inang gaya po ninyo? Basahin po natin sa may Kawikaan 31:10, na ganito po ang sabi, "Isang asawang babae na may kakayahan, sino ang makasusumpong? Ang kanilang halaga ay malayong higit kaysa sa mga korales." Tunay nga po na mahalaga ang bawat ina sa paningin ng Diyos na Jehova at tunay nga pong pinapahalagahan ng Diyos ang inyong mga pagsisikap, anupat kayo ay inihahalintulad na mas mahalaga pa kaysa sa mga korales. Nais ko rin pong ishare sa inyo ang isang base sa Bibliyang magazine, pakisuyo lamang po na pakitap ang link sa ibaba upang inyong mabasa. https://www.jw.org/tl/library/magasin/wp20120901/ Sana ay ma-enjoy niyo po ang inyong pagbabasa. Sakali man po na mayroon kayong mga katanungan , ichat niyo lang po ako at susubukin ko pong sagutin ang mga iyan sa pamamagitan ng Bibliya. #JW.ORG #Ina #nanay WWW.JW.ORG

Read more
VIP Member
undefined profile icon
Write a reply