Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mumsy of 1 playful junior
reminders
?MGA DAPAT GAWIN PARA MADALING MANGANAK? ✔☝1.IHANDA ANG IYONG EMOSYON ⏩Ang iyong mindset at emotional state ay konektado sa iyong pisikal na kondisyon, at kung paano kakayanin ng iyong katawan ang anumang stress. Ang labis na takot, stress at pressure ay nakaka-apekto sa kakayanan ng iyong katawan, ayon kay Jessie Mundell, isang certified kinesiologist at Precision Nutrition Level 1 coach, na eksperto sa pre- at postnatal exercise. ⏩Kung naka-focus ka sa negatibo, mangingibabaw ang takot at kaba, at mas mahihirapan kang mag-isip ng dapat na ginagawa mo—ang umire o mailabas ang bata. ⏩Kasama dito ang masigurong positibo lamang ang energy na nasasagap, sa buong pagbubuntis, lalo na sa kabuwanan mo. Maghanap ng mapaglilibangan, tulad ng paghahanda sa kuwarto at mga gamit ni baby, kung iyon ang hilig mo. Makinig sa paboritong musika o magbasa ng libro. ⏩Si Loujayn Mawlawi, preschool teacher at nanay ng 2 bata, ay sumali sa isang Facebook Group para sa mga mommies. “Naging positibo ito para sa ‘kin dahil friendly ang atmosphere, at madami akong nakuhang tips mula sa mga kapwa ko nanay na kapapanganak lang,” kwento niya. ⏩Nakatulong daw ito na maibsan ang pag-aalala niya at sa ma-set ang expectations niya sa delivery sa ospital. At dahil maraming nagpapalakas ng loob niya, lumakas ngang talaga ang loob niya para harapin ang mga takot niya. “Hanggang sa pagkapananganak ko, patuloy na nakakatulong ang mga tips nila,” dagdag ni Loujayn. Parang marami kang kaibigan at kamag-anak na nagpapaalis ng stress, ika nga. ✔☝2. MAGING FIT ⏩mag-ehersisyo (nang tama). Kwento ng ilang nanay, kapag sanay sa ehersisyo at hindi lethargic kapag nagbubuntis, mas maikli ang labor at mas napapadali ang delivery. Kapag kasi sanay ang katawan mo sa pisikal na gawain at ehersisyo, napapatatag ang “endurance”, dagdag ni Loujayn. Hindi kailangang magpunta sa gym; maglakad-lakad, lumangoy sa pool, o mag-enrol sa mga prenatal-exercise class na aprubado ng iyong OB GYN. ✔☝3.MAGSANAY MAG-ARAL ⏩ Nitong huling tatlong dekada, dumami na ang mga lisensiyadong Childbirth Classes sa Pilipinas, lalo na sa Maynila. Malaki ang naitutulong ng mga ganitong pagsasanay o training para sa mga unang beses manganganak, para maging pamilyar sa iba’t ibang stages ng panganganak—mula labor hanggang delivery. Dito inaaral ang tamang posisyon, tamang paghinga, at epektibong relaxation techniques sa simula pa lang ng labor. Maghanap ng certified instructor at programang aangkop sa gusto at kailangan ninyong mag-asawa. ?APAT NA SENYALES NG PANGANGANAK? ✔Mababa na ang tiyan mo. ⏩Ang tinatawag na “lightening” o halata nang pagbaba ng nasa sinapupunan mo ay unang paltandaan na simula na ng iyong labor. Ibig sabihin nito ay naghahanda na ang katawan mo sa panganganak. ✔May nararamdaman ka nang contractions (paninigas ng tiyan sa pagbubuntis) o paghilab ng tyan. ✔Isang sure sign na malapit na manganak ang pagputok ng panubigan. ✔May dugo na kulay kape o maitim na pula na lumabas na sa pwerta ⏩Tinatawag din ito na bloody show. Minsan ito ay buo-buo, minsan ay parang regla ang itsura. Ito na ang mucus plug na bumabara sa cervix o sipit-sipitan. Ibig sabihin ay bumubuka na ang daanan ng bata. Maaaring araw o oras na lang ang hihintayin mo. Alamin ang mga senyales ng panganganak dito. ?SA ORAS NA MAGSIMULA ANG LABOR:? Mga dapat gawin para madaling manganak ✔☝1. KUMALMA ⏩Maghanap ng distraction. Madalas sa hindi, mahaba ang paghihintay sa paglabas ng baby. Kaya naman kailangan ng mapagbabalingan ng atensiyon, para hindi matuon sa sakit at hirap ng labor. ⏩Tumatagal ng hanggang 12 hanggang 14 oras ang active labor mula sa simula ng unang contraction. Kalma lang, at subukang alisin ang labis na pag-aalala at sakit na nararamdaman. Kung sa simula pa lang ay takot at pangamba na, mauubos ang lakas mo bago pa man dumating ang oras ng paglabas ni baby. May mga naglalakad-lakad sa ospital man o sa bahay, may mga naliligo o nagsa-shower, o nagbababad sa bathtub na may maligamgam na tubig (na epektibo din para makatulong sa pagpapahupa ng contractions), at mayron ding nagluluto o nagbe-bake pa nga. Anuman ang nakaka-relax para sa iyo, gawin mo, bilang distraction. ✔☝2. MAGPAMASAHE NG KAUNTI KAY DADDY ⏩Sa isang pag-aaral ng Touch Research Institute at the University of Miami School of Medicine, ang pagmamasahe ni mister sa balikat, leeg o likod kapag nagsimula nang mag-labor si misis ay isang epektibong paraan para maibsan ang sakit na nararamdaman nito. Dahan-dahanin lang at ipaalam sa nagmamasahe kung ano ang diin at aling lugar ang nakakatulong. Sabihin din kaagad kay mister kung dapat nang tumigil, o kung hindi ka na komportable. ✔☝3. KUMAIN NG KAUNTI PARA MAY ENERGY ⏩Itanong sa iyong duktor kung puwede pang kumain ng light snack sa umpisa ng labor, para may “baon” kang lakas kapag nagsimula na ang “peak” ng labor—o simula ng labis na pananakit. Pinayagan ako ng OB GYN ko noon na kumain ng prutas, pero kaunti lang, para lang may laman ang tiyan, pero hindi mabigat at madaling matunaw sa tiyan. Iwasan ang matatamis, oily at fatty foods, at huwag magpakabusog at baka magsuka o mahilo kapag nagsimula na ang matitinding contractions. ⏩Ayon sa librong What to Expect When You’re Expecting ni Heidi Murkoff at Sharon Mazel, nagagamit kaagad ang mga fluids ng katawan kapag nagle-labor, kaya kailangan itong mapalitan. Ayon sa mga pag-aaral, malaki ang naitutulong ng pag-inom ng fluids, lalo na tubig, habang nagle-labor, para mapadali ang panganganak. Ipaalam agad kay mister, o sa mga nurse kung nararamdaman mong dehydrated ka na. ✔☝4. GAWIN ANG NATUTUNANG BREATHING SA BIRTHING CLASS ⏩Dito na magagamit ang breathing techniques na inaral mo sa pinasukan mong klase. Ang tamang paghinga ay susi sa maayos na panganganak, at nakakatulong na mapahinga ka sa pagitan ng mga masasakit na contraction. Ang tamang paghinga ay mahalaga para maibsan ang labis na sakit ng tiyan. Napapatibay din nito ang core at pelvic floor muscles ng iyong puwerta, para mas kayanin mo ang panganganak. ⏩Kung hindi nag-aral, subukan lang ang malalim na paghinga, habang nag-iisip ng mga masasaya at nakakakalmang bagay tulad ng dagat o tahimik na lugar. Mararamdaman ang unti-unting pagpasok ng hangin sa dibdib at tiyan, at narerelax ang puwerta. Saka mag-exhale ng dahan-dahan. Imbis na ilalabas ang hangin, subukang iihip ito pababa sa puwerta. Habang lalong sumasakit at umaabot na sa peak ng labor, umihip nang mas mabilis, at tapos ay marahan. ✔☝5. TUMAYO, LUMAKAD - HUWAG LANG HUMIGA ⏩Mas mapapadali ang paglabas ng bata kung susundin ang hila ng gravity—pababa. Kaya dapat ay hindi nakahiga lang. Lahat ay sanay na nakahiga lang dapat habang nagle-labor, pero Ayon kay Mundell, hindi na ito ang dapat ngayon. Kailangang kumilos dahil ang paghiga ay hindi komportable at hindi epektibong posisyon para lumabas ang sanggol. Kapag nakatayo at naglalakad, kahit dahan-dahan lang, mas bababa ang ulo ng bata at tutulak sa puwerta. Magsubok ng iba-ibang posisyon tulad ng paluhod, patagilid, o naka-squat para hindi mangalay. Dagdag pa ni Mundell, may iba-ibang posisyon para sa iba’t ibang stages ng labor. ✔☝6. HUWAG TANGGIHAN ANG EPIDURAL, KUNG RAMDAM MO NANG HINDI MO NA KAYA ⏩Ang nanganganak lang ang makapagsasabi kung kaya pa o hindi na ang sakit habang nanganganak, kaya bukas ang option na gumamit ng epidural para maibsan ang labis na sakit pagdating niya sa active labor. Pain-free ang panganganak dahil kombinasyon ito ng local anesthetic at narcotic. May isang lugar lang na mamamanhid, at gising pa din si mommy habang nagle-labor hanggang manganak. Makakatulong ito na magkaron pa si mommy ng lakas hanggang sa kailangan nang umire. ⏩☝Huwag mag-alala, wala itong negatibong epekto sa sanggol, ayon sa mga Apgar score sa mga pag-aaral tungkol dito. Hindi rin ito nakakaapekto sa tagal ng labor o paglabas ng bata, tulad ng paniniwala ng iba, ayon kay Dr. Carlo Palarca, MD. Sa halip, nakakatulong pa nga ito na marelax ang muscles at napapabilis pa minsan ang dilation. ⏩Mayron ding mga analgesics na ibinibigay sa pasyente, na mas mahina kaysa sa epidural, pero nakakapagpamanhid din para hindi gaanong masakit. ?☡BABALA: Hindi lahat ng babae ay puwedeng bigyan ng epidural dahil sa kanilang medikal na kondisyon. Kapag ikaw ay may mababang blood pressure, may bleeding disorder, blood infection, skin infection sa likod (kung saan iniiniksiyon ang epidural), may allergic reaksiyon sa local anesthetics, at kung may blood-thinning medication na iniinom, hindi makakabuti ang epidural sa iyo. Ikunsulta ito sa iyong OB GYN para malaman ang iba pang option para sa iyo. ⏩Kuwento ni Loujayn, hindi naging madali ang panganganak niya sa ikalawang baby niya nitong taong ito, pero nakayanan niya dahil napaghandaan niya. Isang nakatutuwang bagay na nakatulong? Walang kinalaman sa science o medicine. ⏩“Naghanda ako ng mga magandang damit na gusto ko, para pagkapanganak ko ay presentable ako sa mga bisita. Dinala ko din ang make-up kit ko dahil gusto kong maging maganda pa rin, pagkatapos ng lahat ng hirap, habang nagrerecover ako,” kuwento niya. Lahat ng mga bagay na alam niyang makakatulong na magkaron siya ng “mental ease” at makakaalis ang kaba at pagod, ay inihanda niya. ⏩Sa kabuuan, gawing positibo ang energy at atmosphere sa loob ng kuwarto sa simula pa lang ng labor hanggang sa oras na lumabas ang sanggol. Hindi mo man mapapansin, ang bawat vibes at energy ay masasagap mo, kaya’t dapat ay masaya at positibo ito dahil may isang milagrong sasalubungin. Huwag mahiyang magsabi kung may taong nakakainis o nakakahawa ang negativity habang nagle-labor ka. ⏩Ikaw ang nanganganak, at dapat ay maramdaman mo ang suporta at saya sa oras na ito. Source:theasianparentph.com