Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Pretty preggy
SSS
Sinu po dito nakapag asikaso na ng SSS mat2? Ask ko lang po if ang birth certificate ni baby na ipapasa sa sss office ay galing lang sa munisipyo or need pang ipa NSO bago ipasa sa Sss.???
MY PRECIOUS ??
January 24 2020 Friday:10:11am 39 weeks and 4days Normal delivery Weight : 3.6 Name: Rafaella Erah Faith R. Villanueva. Hello po sa lahat share ko lang experience ko. 37 weeks palang nag start na ako mag exercise, walking, dancing and akyat baba sa hagdan para nga hindi ako mag over due. Ang due date ko ay Jan. 27 2020. Dahil everyday ko routine iyon medyo nasanay na ang katawan ko pagod, then last check up ko thursday 9am im 39 weeks and 2days na ako nun 1cm palang daw ako kaya kinabahan na ako kasi 1cm palang kaya pag uwi ko ng bahay nag laba ako as in kusot talaga hindi ako nag washing, then pahinga lang kaunti lakad lakad naman ako then squat, then afternoon nag punta ako mall 3hrs ako nag lakad lakad. Pero wala parin ako pain na nararamdaman, umuwi ako sa bahay 7pm na. Noong gabi na 10pm lagi nanako umiihi at napansin ko may dugo na kaunti patak lang na at sumasabay sa ihi ko, so dko sya pinansin kasi wala pa naman buo dugo sa panty ko, nag foodtrip muna ako bago matulog, then around 12:30 medyo sumasakit na ang puson ko at every 5mins na ang sakit nya pero natitiis ko pa naman, pero tinawagan na namin iyong midwife ko para i check ako sa bahay pag ie nya sakin 6cm na pala agad ako. Pero d pa ako nag padala sa hospital kasi mas komportable ako sa bahay mag labor, 3am na kami nag punta hospital at 2mins away lang naman sya sa bahay namin, after nun ipinasok na aq sa DR ng 5am akala ko madali lang ako manganganak kac hindi ako masyado nahirapan pag lalabor. Pero sobrang tagal kong umiire kasi hindi ako maalam umire, 3 tao na ang nag papaanak sakin at sobrang nanghihina nadin ako, hagang sa lumabas na si baby around 10:11am, at dun ko na feel iyong ginhawa lalo na nung narinig ko ang pag iyak nya, hindi ko na din pinansin iyong sakit habang tinatahi at nililinis ang pempem ko, gusto ko lang mangyari nun makalabas na ng delivery room at mayakap na si baby. Sabi ng midwife ko tumagal daw mailabas si baby kac dahil nga hindi ako maalam umiire dahil first baby ko sya at isa pa nakatihaya pala si baby dapat daw CS pag ganun pero sa awa ng diyos, okey kami pareho ni baby. Kaya salamat po sa apps na ito at sa lahat ng mommy na nakatulong at nag cocoment sa tanong ko. Sa mga hindi pa na nganganak just pray lang po. Salamat. ☺???
mababa na po kaya?
Im 39 weeks and 2 days at wala paring sign of labor, mababa na po kaya ang tiyan ko? Everyday ako nag lalakad 2 hours morning and afternoon, with squat at akya't baba sa hagdan,. Due date january 27. Sinu same case ko dito na wala paring sign.
37 weeks 4days
Mababa na po ba mga momshie, ? My duedate january 27 2020.
EVEPRIMROSE OIL CAPSULE
hello mga momshie, ilang beses kayo umiinom ng eveprimrose and ilang oras ang pagitan ng pag inum nyo, and lastly nag iinsert din ba kayo sa pempem nyo bago kayo matulog? Im 38 weeks po 1st time pregnant.
labor???
Anu po feeling pag nag lalabor na,? Im 37 weeks and everyday pp ako naglalakad at akya't baba ng hagdan, ngayon po medyo parang ngalay ang balakang ko, nag Lbm din ako at minsan pag mag lalakad ako parang may tumutusok sa pempem, ang pakiramdam ko ngayon parang mag kaka 1st Menstruation, nag lalabor na po kaya ako or false alarm lang ito, first time mom po ako salamat sa sagot god bless
philhealth
Tanong ko lang po, paano ba gamitin ang philhealth sa hospital,? Gagamitin ko po kasi sya sa panganganak ko at may hulog naman po sya mula 2016 to 2019 dec. May kailangan po ba ako kunin sa philhealth office na kahit anung form para dalhin sa hospital pag manganganak na ako or ipapakita ko lang po ang philhealth I.D ko sa hospital kung saan ako manganganak, sana po may makasagot first time pregnant at first time din gagamitin ang philhealth salamat po.
GANITO BA PAG NAG LALABOR?
Normal lang po ba na sobrang likot ni baby at pag nalikot sya eh masakit sa pempem na parang may tumutusok, at staka ang feeling ko lalabasan ako ng mens. Medyo nangangalay na din ang balakang ko pero hindi namn totaly masakit. Im 35 weeks 4 days pregnant po, salamat sa sasagot.
EXERCISE
Hello mga momshie, kailan kayo nag start mag lakad lakad at mag exercise ng sobra para mabilis bumaba si baby? Ilang weeks ang tiyan nyo, ako po eh 34 weeks and 3 days. 1st time preggy here salamat
ASKING HELP
Normal lang po ba ang biglaang pag sakit ng puson, iyong pakiramdam na parang magkakamenstration,at parang may lalabas sa pempem, pero now ka lang na feel ito hindi naman everyday, 33weeks and 5days po ako, sana may makasagot salamat