Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mommy of 2 playful magician
33weeks months preggy, grabe yung kabag at acid
hi mga mamsh, meron din ba nakakaexperience nito? grabe tigas ng tiyan tas parang umiikot ung hangin na ang sakit talaga hanggang puson parang labor feels tuloy, kaya umiinom lang ako warm water tas ihihiga ko talaga. may time din na naninigas eh. kelangan lang maiutot or dighay. ano remedy nyo po sa ganito?
8months preggy, pwede ba pumunta sa burol?
hello mga mamsh, may mga naririnig kasi ako na bawal daw😩 kaso mahalaga yung taong nawala parang gusto ko makita at magbigay respeto sa huling sandali nya. ano po sa palagay nyo sa pamahiin na ito? tunay ba na bawal kahit makiramay? hindi naman ako sa libing pupunta. salamat po
Vaginal Discharge @30 weeks and 5 days
Hi mga mamsh, normal lang ba mgkaron ng white mens na discharge at this point of pregnancy? di naman sya mabaho, walang masakit at wala ding kati, nararamdaman ko lang na nagdidischarge kaya need mag panty liner. naranasan nyo din ba ito? normal po ba o need wag ipagsawalang bahala? salamat
Grabeng hurtburn ngayong 29th week ko🙂↕️
Ano po mabisang gawin para maibsan ito, nararamdaman nyo din ba ito? mag 8 months na tummy ko grabe hirap acid reflux tas hapdi sa dibdib di naman ako kumakain ng maaasim at mamantika huhu, madalas ngumunguya lang ako xylitol gum para mawala ok naman pero pansamantalang relief lang e nabalik padin. almost 9 weeks pa huhu, baka may tips kayo na nasubukan aside from gaviscon. pls thank you
7 months and always feeling hungry
Bakit ganon mga mamsh nung nag 7 months ako napansin ko mayat maya ako gutom dati rati after lunch mext kain ko 4 to 5pm snacks lang tas oatmeal lang sa gabi pero ngayon para kong nanginginig sa gutom pag di agad kumain ng 3pm snacks tas need rice na din dinner ko. though, brown rice naman at max limit to 1 cup per meal nakakapanibago lang hehe normal lang ba yun??
Kelangan pa ba ng bigkis?
hi mga mamsh, im a 7 month preggy kumpleto na mga gamit ni baby except pala sa bigkis now ko nalang naalala, kelangan ba talaga yun sa new born? kasi sa 2 kong anak 12 years ago naalala ko gumamit si mama ko non. ano po ba nagagawa sa pusod ni baby non? thanks
19weeks & 6 days preggy mabilis mapagod or hingalin, normal po ba?
nagtataka ko dati ko namang ginagawa yung magayos ng mga damit at magsukat sukat ng outfit ganon mga 4 na bihis lang at harap sa salamin nakakaramdam na ako ng pagod or hingal, normal po ba yun? salamat po
Normal lang ba na sa bandang puson sumisipa si baby at 18 weeks? medyo masakit pero nakakahappy
Kasi iniisip ko dapat bandang tiyan ang sipa nya pero ngayon kasi as in sa baba ng pusod ko bandang singit pa nga minsan nasakit tuloy tas parang maiihi kada sisipa sya, pero baka dahil 18 weeks palang naman kaya di pa sya umaabot sa bandang tiyan ko ganon kaya yun? huhu salamat po sa sasagot