Oo Nanay kana, pero deserve mo ang pahinga!
Bilang isang ina, isa sa pinakamahirap gawin ang tinatawag natin na "me time". Sa halos buong araw di tayo nawawalan ng gawaing bahay, idagdag mo pa yung pagaalaga natin sa pamilya natin. Naranasan nyo na ba mga inay yung tipong dahil sa sobrang dami ng gagawin sa loob ng bahay eh nakalimutan mo ng kumain, maligo at minsan pa nga kahit tulog nakakalimutan na natin. Oo sobrang hirap maging isang ilaw ng tahanan, yung tipong makita ka lang nilang magayos sasabihin pabaya ka ng ina, makita kalang nilang nakaupo sasabihin tamad kanang ina.
Nanay lang tayo, di tayo robot na di napapagod. Nay! Isang paalala lang, magpahinga ka! Deserve mo yun! Wag mo iisipin ang sasabihin ng ibang tao. Di nila hawak ang mundo mo. Nandyan lang sila bilang isang suportang karakter sa pelikula ng buhay mo bilang isang Nanay.
Laging mo lang iisipin na pag nagkaroon ka ng sapat na pahinga, mas madami kang magagawa, mas maaalagan mo ang pamilya mo, at higit sa lahat naaalagaan mo din pati ang sarili mo.
Nay cheer up, pag pagod kana magpahinga ka tapos laban ulit.Tandaan mo lang palagi ikaw ang number one sa puso at mata ng pamilya mo!
Read more