
Hindi lahat ng pagbubuntis ay pare-pareho. May mga sitwasyong mas nangangailangan ng tutok at masusing pag-aalaga dahil sa mas mataas na posibilidad ng komplikasyon para sa ina at sa sanggol. Ang pagkakaroon ng mga senyales na ito ay hindi dahilan para matakot, kundi para mas maging handa. Sa tamang gabay ng midwife o OB, ligtas pa rin ang pagbubuntis. Kung may alinman ka sa mga ito, huwag mahiyang kumonsulta. Agad na magpatingin sa health center para mabigyan ng tamang payo at pangangalaga. #HighRiskPregnancy #PagbubuntisNaMayAlaga #KaligtasanNiMommyAtBaby #BuntisCheckUp #PrenatalCare
Read more
"Buntis ka? Huwag palampasin ang check-up!"
Alam mo ba na ayon sa DOH, kailangan ng hindi bababa sa 8 prenatal checkups habang buntis? ✅ 1 sa First Trimester ✅ 2 sa Second Trimester ✅ 5 sa Third Trimester Hindi lang ito basta bilang, ito ay gabay para sa ligtas na pagbubuntis at malusog na baby! Huwag hayaang makumpleto ang 9 months na walang sapat na pag-aalaga. Magpa-checkup sa tamang oras! #PrenatalCheckup #BuntisTips #KaligtasanNgInaAtSanggol
Read more
BUNTIS BA 'TO? Alamin ang Maagang Sintomas!
Marami ang di agad aware na buntis na pala sila, akala mo stress lang, pero may baby na sa tiyan! Eto ang 5 maagang palatandaan na pwedeng senyales ng pagbubuntis: 1. Delayed o hindi dumarating na regla 2. Pakiramdam na palaging pagod 3. Pagsusuka o pagkahilo 4. Madalas na pag-ihi 5. Biglang paglaki o pananakit ng dibdib Reminder: Hindi lahat ng buntis ay pare-pareho ang nararamdaman. Kung may duda ka, magpa-check up sa pinakamalapit na RHU or lying-in. Libre ang prenatal checkup sa mga health center. Kumonsulta agad para sa kaligtasan mo at ni baby! #PregnancyAwareness #BuntisBaKo #RHUservices #KalusuganNiNanay
Read more
Maraming buntis ang nalilito kung ano ba talaga ang bawal at kung ano ang sabi-sabi lang. 📌 Kambal na saging = kambal na anak? 📌 Pagupit habang buntis = mapuputol ang buhay ng bata? 📌 Tulog sa hapon = tamad ang anak? VERDICT: PAMAHIIN LANG! Walang ebidensya medikal na sumusuporta sa mga paniniwalang ito. Ang totoo, importante ang sapat na pahinga, tamang nutrisyon, at regular na checkup ni nanay. Iwasan ang fake news, mas mainam ang tunay na health tips mula sa mga health workers at midwife sa inyong RHU. #PamahiinOBuntis #MidwifeTips #KalusuganNiNanay #RHUHealthInfo #BuntisFacts
Read more