Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Excited to become a mum
PAANO MAIWASAN ANG PANGANGAGAT NI BABY?
Hello mga mima, any suggestions po paano maiwasan ni baby Ang pangangagat? Sobrang stressful Yung panggigigil ni LO ko Po. Masakit mangagat ng nipple pko, pati nagbabantay sakanya kinakagat nya. Tapos pag Wala syang iBang makagat kinakagat nya Ang Sarili nya, sa sobrang panggigigil hinahampas nya ulo nya. Tapos naglalaro sya inuuntog nya ulo nya sa masandalan nya parang laro laro nya pero ayokong lalakihan nya 😭🥺 may same scenario Po ba Dito? Please any suggestions at advice. Anyways, 1 year old na Po baby ko, girl. Thank you ❤️
Tenga ni Baby
Hello mga mie, pag po ba biglang umamoy ng hindi maganda ang tenga ni baby ear infection po ba?
37 weeks and 3 days
Hello mga mommies 🤗 please enlighten me. Ilang days po lumipas bago kayo manganak after mawala ang pamamanas ninyo? Or ilang days tumagal ang false labor ninyo bago ang true labor? Sa ngayon po kasi sumasakit puson ko pati ang pwerta ko pero paiba-iba ang interval, and kaya ko pa po ang sakit, tapos naninigas tyan ko at feeling ko medyo bumababa na si Baby. Gusto ko lang po malaman ang experience ninyo specially sa mga nakapanganak na. ❤ Thank you.
Breech Baby
Hello mommies 🤗 mayroon po ba sainyo na breech ang baby at 37 weeks pero umikot parin at nagposisyon? Or mayroon po ba sainyo na breech ang baby pero nainormal ang delivery? Umaasa parin kasi ako na umikot si baby kahit 37 weeks na 🥺
Pusod ni Mommy
Hello mga mommies 🤗 Ask ko lang okay lang po ba maglinis ng pusod pagbuntis? Hindi ba affected si Baby? Ang liit po kasi ng pusod ko at medyo malalim want ko lagyan ng oil and linisin gamit ang cotton buds, okay lang po kaya? Nakakahiya naman kasi di maglinis ng pusod lalo pag nagpaultrasound diba 😁
Change Status
Hello mga mommies 😊 Ask ko lang po, ok lang po ba na gamitin na ang apilyido ni husband kahit di pa ako nakakapag change status sa lahat ng Gov't IDs ko? January kame kinasal and 32 weeks na din akong buntis, every time na nagpapacheck up po ako gamit ko na ang surname ni husband kahit di pa updated mga IDs ko and Civil status ko. Ok lang po ba yon?
LAGUNDI LEAVES PARA SA BUNTIS
Hello po ask ko lang po kung pwede po ba ang Lagundi leaves para sa may ubo at sipon na buntis? Sasamahan din sana ng kalamansi. Di pa po ako nakakapag follow up check up dahil sa trabaho, kaya di pa po ako makapag tanong sa Doctor. Sana po may makapansin salamat po sa sasagot 🙏❤