Mhae Anne Besa-Monte Vicente profile icon
GoldGold

Mhae Anne Besa-Monte Vicente, Philippines

Contributor

About Mhae Anne Besa-Monte Vicente

Mom of an Angel ?❤️?

My Orders
Posts(2)
Replies(13)
Articles(0)

Meet our Prankster Baby!

Shane Gabrielle ❤️ EDD: Oct 2, 2020 DOB: Sept 22, 2020 Via scheduled CS Weight: 2.7 kg Long post ahead 😊 Nagpaultrasound ako nung 6 months na si baby sa tyan ko and ang likot nya so natagalan si ob tignan gender nya and ang ending sabi nya baby girl daw. So sobrang happy kami kasi all male sa family ni hubby. First time magkakaprinsesa. Unfortunately, nagpositive ako sa Covid 19 last August 31. Naexposed ako sa hubby ko since sya naunang nagpositive. During that time I'm on may 35 weeks of pregnancy. Laking takot ko nun kasi baka mapano si baby. Naconfine asawa Ko since naapektuhan ng virus yung puso nya. Ako naman asymptomatic lang. Pinag home quarantine ako for 14 days at pinaalam ko kaagad sa OB ko para maguide nya ko. Dasal, tamang pagkain, sapat na tulog, positive thoughts ang pinanglaban ko sa virus. September 14 nireswab ako, lumabas yung result ng Sept 18 at negative na ko. Sobrang pasasalamat ko sa Dios. Sept 19 check up ko sa clinic to see my OB, during that day nasa 38 weeks na ko. Inultrasound ako at okay naman si baby normal naman lahat sakanya. Di na naconfirm gender nya since nakapwesto na sya. Kaso close pa cervix ko at nung ni-IE ako ni doc maliit daw sipit sipitan ko. Daming gumulo sa isip ko that day kasi yung nakasabayan kong mommy sa ospital for ultrasound, wala ng heartbeat yung baby nya so grabe yung iyak nya. Natakot at awa ako. So nag usap na kami ng asawa ko. Nagdecide kami na magpaschedule na ng CS since maliit din naman sipit sipitan ko, baka mapano pa si baby. September 22, excited kaming pumunta sa ospital for the operation at makikita na namin ang aming prinsesa. During operation, kahit sobrang groggy na ko pinilit kong wag makatulog kasi gusto ko marinig unang iyak nya at makita talaga sya. 11:41am baby is out! "Congratulations! It's a healthy baby boy!" Napamulat talaga ko at tinanong ko si doc. Haha sabi ko, doc sabi mo sa ultrasound babae. Nagulat din sya. Pero okay lang! Importante healthy si baby. Sobrang saya ko ng makita ko sya at makasama nung sa room na kami. Ibang iba yung feeling. To all the soon to be moms out there, especially this time of pandemic ingat po at laban lang! 😊❤️ #1stimemom #pregnancy #theasianparentph

Read more
Meet our Prankster Baby!
undefined profile icon
Write a reply