Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Nanay ❤️
VBAC TEAM SEPT. Posterior placenta
1st (2013) Cs 2nd (2015) Normal 3rd (now) Normal again! Thanks God. My Baby Buchoy is out!👶🏻 3.7 kilos Normal Delivery Lmp: 12/4/2019 Edd: 9/11/2020 Edd via ultz: 9/13-18/2020 delivery date: 9/8/2020❤️ Share ko lang, ibat-iba pala talaga yung panganganak.. yung pain nung 2nd ko hindi katulad ngayon sa 3rd. Yung sa 2nd ko po ay may sched ako for Cs kaso nagearly labor 2hrs lang sobrang bilis ng pangyayari lumabas na sya. Now plano ko talaga magnormal delivery po less gastos at mas maalwan po talaga ang normal delivery! Sobrang sakit po nung labor ko ngayon, as in akala ko di na matatapos yung sakit. PapaCs na po ako kasi diko na kaya panay sakit parang ayaw bumaba. Di naman sya overweight base sa ultrasounds (pero di naman totoo na maliit pa baby ko kasi 3.7 na pala sya) 🤦 sa ultrasound walang 3kilos! so ayon almost 12hrs labor 4hrs active labor. Isasalang na ko for Cs biglang pumutok na panubigan ko, lalabas na sya. Hindi na ako pinapaire.. tumae na ako sa diaper ko! nagwawala at sumisigaw na ako. inaway ko na mga nurse at doctor, dala ko swero ko sabi ko lilipat na ko sa ibang ospital Hahaha! ayon pinunta nalang ako sa delivery room, then wag daw sobrang push! baby is out. Swerte na naman kasi di pumutok uterus ko🙏! Sa mga Cs moms na balak magnormal, kaya nyo po yan. Magdiet at iready nyo po katawan at isip nyo sa pagire, squat at walk pagdating ng 37weeks. Pag normal wala pang 12hrs nakakaupo kana, pag Cs ilang araw tayong baldado 🤦 Ang haba po thankyou sa nagbasa.