Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Proud mama of Asher Jeronn
IUD as family planning method
Sino po dito naka IUD as family planning method? Okay po ba sya? Magkano?
Low breastmilk supply?
Totoo po ba na pag baby boy, matagal mabusog? Parang di kasi nabubusog yung baby ko pag nagbi breastfeed ako. Kahit right and left breast na, umiiyak pa rin kasi gutom. Pinapadede ko nalang ng formula para mabusog. Any advise momshies kung pano mapalakas ang breastmilk supply? Thank you..
Maternity claim
Moms ano ibig sabihin nito? Nahulog na ng sss sa bank account ko yung maternity benefit ko? Thanks ?
safe time for sexual contact
Momshies kelan yung safe time para makapag sexual contact kay hubby after giving birth if normal delivery? Okay na ba yung 1month? #RespectPost
masakit magpadede
Momshies sino dito nasugatan ang dede? Nung una kasi masakit lang magpadede tas kahapon lang nung tiningnan ko yung dede ko, may sugat na. Pano kaya to ma okay? Gusto ko kasi talaga i-breastfeed si baby kaso lang, masakit talaga. Pa help naman po ?
Penta vaccine
Momshies ano yung penta vaccine? At saan ba yun pwede ma avail ng mura?
Finally! My baby boy is out
EDD: Feb. 8 DOB: Jan. 27(2.8kls) I am so thankful and blessed na kinaya kong ilabas si baby via normal delivery. Though maliit pero dahil sa tagal kong naglabor, naubos yung lakas ko. Yung sakit at pagod sa 41hrs total na labor, nabalewala lahat nung nakita ko na safe sya nakalabas. Muntik nako sumuko at magpapa CS nalang sana kasi dugo na yung lumalabas sakin kada ire ko kaya masyadong masakit. Parang traumatic experience sya for me as a first time mom pero rewarding at the same time kasi worth it lahat pag nanjan na ang baby ? Goodluck and God bless to all expecting moms out there! Praying for your safe deliveries ? Kaya nyo yan momshies. Know that God is always beside you..
SSS
Hello po. Sa mga momshies jan na voluntary members ng sss at naka claim na ng maternity benefits, ano po yung requirements na hiningi sa inyo kasabay ng Mat2? Alam ko na yung birth certificate ni baby pero yung separation certificate from your last employer, nagpasa ba kayo nun?
PhilHealth Contribution
Hello po. Ilang months ba na contribution sa philhealth ang required para maka avail? December 2019 kasi last bayad ko and this Feb 8 yung due date ko. Ma avail ko kaya yung philhealth ko? Wala bang magiging problema kung hindi ako makapagbayad?
SSS Mat2 Req.
Momshies need ba talaga yung cert. of length of service certified by the employer pag magpapasa na ng requirements kasabay ng Mat2? Or birth certificate lang ni baby ay okay na?