Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Yna
Iyakin si lo
Mga mommy ask ko lng po kung normal lang ba na iyakin si lo. Kaka 3weeks niya lng kahapon simula nung nag 2weeks siya palagi na siya umiiyak. Pag gising iyak kung tatahan man ilang sigundo lng tapos iyak na naman titigil lang yun pag may nakasubo sa bunganga niya hanggang sa makatulog na siya ulit. Ano po kaya maganda gawin para mabawasan pagiging iyakin? Sana matulungan niyo ako ftm po ako. Thank you!❤️
Our little angel
EDD: August 9, 2020 DOB: August 2, 2020 Meet our little angel Radleigh Joachim Weight: 3.0kilos via NSD Super thankful at nakaraos din, 3am nagising ako kasi parang may tumutusok sa tiyan ko pumunta kaming lying in ng 4am para pag pacheck dahil may lumabas na malapot na tubig sakin kasunod nun may dugo na ang napkin ko. 6cm na pala ako that time pero dahil malapit lng kami sa paanakan umuwi muna para kumain at magkaroon ng lakas para umire. Around 6am bumalik kami waiting lng na bumaba pa siya 8am napala aw na ako sa sakit 8cm na daw siya around 9am pinapaire na ako pag sumakit para lumabas lahat ng poop ko kasi ang dami kaya di makalabas si baby😂 pag dating ng 10:27am ayon lumabas na ang bubwit namin❤️ super thankful at di niya ako pinahirapan ng sobra.
Pamamanas ng daliri
38weeks na ako ngayon at nagtataka ako bakit pag gumigising ako parang ang taba ng mga daliri ko at masakit. Ano po kaya ibig sabihin nito?
Masakit ang Puson
36weeks na po si baby at first time mom minsan sumasakit puson ko, yung sakit na parang nireregla. Nawawala tapos babalik, ano po ibig sabihin nun? Malikot na din si baby minsan pakiramdam ko gusto nang lumabas ang lakas na ng suntok at sipa.😁 Thank you mga mommies!🥰