Sammy profile icon
BronzeBronze

Sammy, Philippines

Contributor

About Sammy

I love every second of being a mom

My Orders
Posts(2)
Replies(0)
Articles(0)

PRIDE O KARAPATAN?

I wanna share my lovestory. No judgement pls. Kasal ako (Arranged marriage) last meet namin 2016 LDR. Then may na'meet akong guy 2019, wala akong balak seryosohin or something kasi alam ko naman kakahinanatan. Masyadong matyaga yung guy, ultimo pamilya ko niligawan. Hanggang sa nasanay nalang ako na palagi kaming nagkakausap, magkasama. So ayon inexplain ko sakanya lahat, na kasal ako. Okay naman daw sakanya as long as wala kaming anak. Hanggang sa naging kami na. Pinaramdam nya na mahal nya ko. Lumipas ang araw, linggo. Masaya kame. Tanggap lahat sakin. Mag aantay daw sya. Ipaglalaban. Hanggang sa nabuntis ako. Masaya pa kame nung una. Hanggang sa nagkalabuan na. Nag iba bigla pakikitungo nya sakin, nawalhan narin sya ng pasensya sa pagiging madrama ko habang nagbubuntis. March 22, nagpasya na ko makipaghiwalay kasi nanibago ko sakanya. Tapos 26 lang may naka inrel na agad sa fb nya. Kesyo di daw pwedeng maging kame kasi nga kasal daw ako. Ginamit nyang excuse yun para lokohin ako. Kung pinagtapat nalang nya sana sakin una palang mas tanggap ko yun. 8months na tyan ko nun, lahat ng sakit naramdaman ko nung time na yun. Habang sila masayang nag'monthsary ako nasa kalahating hukay na paa para mailuwal ang sanggol. Di daw nya tatalikuran responsibilidad nya sa bata, magsustento daw sya. Nung nakaraan tumatawag ate nya nakikibalita pero ako dedma. Nung dumating baby ko, naging masaya ako. Napawi nya yung lungkot ko pero may times padin na sumasagi sa isip ko yung ginawa ng ama nya. Hanggang sa nakapanganak na ko pero di ko pinaalam sakanila. - Selfish ba ko sa part na itinago ko yung bata sakanila? - Tama lang ba na di ko kunin yung sustento na karapatan ng bata?

Read more
PRIDE O KARAPATAN?
undefined profile icon
Write a reply