Meet my Little One 💙
Name : Sean Hendrix 💙
EDD : July 16,2020
DOB: July 06,2020
3 hours labor 👼🏻👼🏻👼🏻
Weight : 8lbs / 3.6kg
Normal Delivery 💙
37 weeks si baby nung last na magpaultrasound ako, sabi ng ob ko need ko na sya ilabas at hindi na paabutin sa EDD ko kasi sa ultrasound kasing laki na sya ng 39 weeks old, natatawa pa ob ko kasi bundat na daw sya sa tyan ko dahil matakaw sya. Pinainom ako ng primrose for 1 week, sinabayan ko ng everyday 1 hour na exercise/ squat , 1 hour na lakad akyat baba papuntang palengke, 3 months akong di uminom ng malamig na tubig(pero since mag 7 months naman na tyan ko everyday na ko naglalakad at nageexercise/yoga/squat ng mga napapanood ko sa youtube).
July 6 nagpacheck up ako dahil weekly (every monday) na ang check up ko.
July 6, 11 am pag IE sakin 1cm na daw ako at ihanda na daw ang gamit dahil anytime pwede na ko manganak.
12 nn nakauwi kami ni hubby sa bahay then kumain pa kami.
12:30pm nakakaramdam na ko ng sakit ng puson, nagsquat lang ako at exercise dahil advice sakin ng ob ko na maglakad at magsquat once makaramdam ng contractions.
1:30pm mas bumilis ang interval ng sakit nya, evry 5 minutes na sya so ginawa ko lakad lakad lang.
2pm mas bumilis pa yung contraction, from 5 minutes ramdam ko na nasa 1 1/2 minute nalang sakit nya pero sa puson palang kaya feeling ko kaya ko pa. (take note talagang inoorasan ko ang sakit para alam ko kung need na pumunta sa clinic)
2:30 lalo syang sumasakit, naging 1 minute nalang interval ng contraction kaya pinaligo na nila ko para pumunta na kami sa lying in. Habang naliligo ako napapatigil ako sa pagbuhos pag nararamdaman ko ang sakit.
2:45 hanggang sa may balakang ko na ang sakit kaya habang naglalakad ako at nakakaramdam ako ng sakit, napapaupo talaga ko. Ayaw ko pa sana pumunta ng lying in kasi sabi ko baka ilang cm palang aako, sabi kasi sakin 5cm daw bago ako iadmit kaya inisip ko baka pauwiin pa kami pero sabi nila baka daw pumutok ang panubigan ko at matuyuan ako kaya nagdecide na kami umalis since medyo malayo ang lying in samin at mahirap ang access ng sasakyan ngayong panahong ito.
3:10 nakarating kami sa lying in, tagtag din ako sa tricycle, halos di ako makababa pagkarating sa lying in sa sakit. pag IE sakin 7cm na daw ako. Pinaglakad lakad nila ko sa loob ng clinic dahil 10cm daw ang need para manganak, ang masama pa nyan iniwan nila yung ibang gamit na inayos ko sa bahay kaya nung humihingi sila ng isa pang adult diaper, wala na kami maibigay kasi isa lang dala ko. Umuwi hubby ko since nakamotor naman sya at naiwan kami ng mother nya sa lying in. Habang naglalakad ako sa loob napapahawak ako sa mga upuan at napapaupo sa twing mararamdaman ko sakit at kinakausap ko si baby na wag na ko pahirapan , lumabas na sya at wag na patagalin.
3:20 di ko na talaga kaya, sinabi ko sa midwife na gusto ko na talagang ilabas to. Napaupo na din ako sa sahig sa sakit. Dinala na nila ko sa delivery room, sinabihan ako ng midwife na kapag hindi pa sumunod si baby babalik daw ako dun sa labas ng delivery room at maglalakad ulit. Unang ire good, pangalawang ire good ulit daw, pangthird sobrang sakit napakapit na ko na halos mayakap ko na isang midwife sa sobrang sakit. Ayun nailabas na sya 3:32 pm, maya maya narinig ko nalang sya na umiyak, super worth it ang sakit mga mamsh.
Pagdating ng hubby nilalabas na ko sa delivery room, wala syang kamalay malay na nanganak na ko 😂😂😂 ilang minuto lang sinunod ng ilabas si baby. And thanks God dahil di nya ko pinahirapan ng sobra.
Advice lang mga mamsh nakakatulong din panonood sa youtube kung pano ang proper breathing pag nakakaramdam ng contractions at tamang pag ire, walang ibang makakatulong satin kung hindi sarili lang natin mga mamsh.
Goodluck sa mga soon to be moms dyan. Pray lang sa itaas, kaya nyo din yan 😊
Read more