e20 profile icon
PlatinumPlatinum

e20, Philippines

Contributor

About e20

Excited to become a mum

My Orders
Posts(11)
Replies(309)
Articles(0)

Nick Name😊 and Birthing story

Meet my 3day Old baby gurl Elaedjah Hope. Ano po kayang magandang n.name for her? Bukod sa Ehli 😅 Thanks mga mamsh❤ Share ko lng din ang paghihirap pero worth ig delivery.MEDYO MAHABA. EDD: March 17 DOB:March 10 via ECS 3KG March08 2-4am Naghilab.inanty mag7am pumunta ng rotary lying in.4cm daw Uwi muna lakad2 squats.waley. March09 1am to 4am sunod2 na.kaya punta ulet lying in 6cm daw. Inadmit na kami. Buong araw na labor.nawawala wala ang hilab. 12nn 7cm. Mayang hapon daw lalabas maganda na daw.nakakapa na nia ung panubigan.Hanggang inabot ng 9pm. 8cm lang.mataas pa daw c baby.😅 pag ei daw mga 10pm.transfer na kami sa osmun.kasi need na mamonitor si baby. hindi nga bumaba...punta na kming osmun. Walang hilab. Parang wla lang sakin😅 11pm.arrival. March10.5am bago nakapasok kasi covid protocol.tapos wala aqng swab test😅 kung meron sana dertso na kami kasi inaanty na kami ni Dra..Pag akyat kabit ng hb monitori kay baby ok naman..pero nasa "dirty"  labor room .ako kasi walang akong swab  lahat ng walang swab at waiting na result don daw. tatry namin kung baba daw. Until 12nn wala di bumaba. Sched for ECS na.1pm.kasi baka mastress na si baby.. 2.12 pm baby's out sabi ni Dra. Dumaan lang mabilis sa harap ko si baby.puro poops na nga siya . Onte nlang daw makakain na. Buti nalang biniyak na. Thank you Lord. You are indeed protect us. Your time is perfect.🙏 Sa recovery room.tanong na ko ng tanong kung makikita ko na si baby. Later daw pag kaya ko na. True baman kasi. Nanginginig pa upper body ko lower manhid pa dahil sa anesthesia .Around 9-10pm dinala na sakin si baby.un na pala un.. ibreast feed daw. Aun. Hanggang today. Ako nagaalaga magisa.. Feeiling super woman ako after this moment of my life.All by my self ba naman😅🤣 Napapaikyak na ko kasi di ako makakilos na maayos.sakit ng tahi. tapos iyak ng iyak si baby kc di makadede na maayos💔 Di makapasok ang mabuti kong asawa kasi wala pang  swab result... haist. Until today.March13. Wala pang result. Kasi nireswab lang namin today ni baby. My nakasama daw kasi kami sa OR  na positive.💔  sana bukas my result na. 2days palang pala ako dito. Pero feeling ko 1week na.🥲 Miss ko na asawa kong mabait😘 at need ko na ltga katulong kay baby 🤣 Realization: 🌸Dapat pala umire ako ng umire?hehe di kasi ko naire. Inaanty kong mag9cm man lang.Kakapanood ko ng breathing exercise during labor sa youtube naperfectko.pati kegel exercise🤣 🌸Sa susunod di ko antayin labor.pasched biyakcna agad.🤣 🌸Magpaswab test tlga. Kahit sabihin ni dra wag na muna kasi 1week lang validity nun.mas ok padin ang advance😅 Salamat sa mga concerns. Please pray makauwi na kami🙏 Negative Result Lord. In Jesus Name. HAVE A SAFE DELIVERY MGA MAMSH Lalo sa mga team March 😊 #1stimemom #firstbaby #pregnancy #teamMarch

Read more
Nick Name😊 and Birthing story
VIP Member
undefined profile icon
Write a reply