Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
normal po ba na maligalig si baby kapag pinatay ang ilaw gabi?
kapag pinatay na ilaw sa gabi saka maglilikot sng baby ko na 15 months, takbo dito, talon dun at higit sa lahat tili ng tili.. pinapalo na namin pag inabot na ng 12am at ayaw pa din matulog
matigas poop ni baby
7 months po sya ng nahirapan tumae.. bonamil sya dati.. binawasan ko na ng isang scoop pero matigas pa din, nagpapedia ko bawal daw bawasan.. pinalitan ng lactum , sa una ok naman but later on tumigas din tae nya.. sabi lang pedia more water.. ano po ba pede ko gawin kawawa si baby . nanginginig pag umiire
masakit na thumb at may bukol ang wrist
Hi po, 4 months napo ako nakapanganak pero yung sakit sa kamay mas lalong lumala, nung nasa 3rd trimester po ako, sabi nila carpal tunnel daw po mawawala din kusa .pero gang ngayon po andito pa rin. Medyo maga napo ang wrist ko yng joints po sa ilalim ng thumb parang namamaga na may bukol at ang hirap po galawin lalo na pag hawak ko po si baby. Nagkaganito din po ba kayo? ano po ginawa nyo para mawala sakit . salamat po
madalas manggigil si baby 3 months palang sya
kapag hawak po namin sya madalas na papatigasin nya kamay nya at mga braso at binti nya.. parati na po nya ginagawa sunod sunod kaya nagwoworry po ako . normal lang po ba to? para syang gigil na gigil.. alam nyo po ba to,may nakaexperience na din po ba sainyo?
Masakit na ugat sa kamay sa ilalim ng thumb
Hi po.. turning 37 weeks napo tyan ko.. ang sakit po lagi ng kamay ko lalo paggising sa umaga, namamaga ang mga ugat na parang puputok ang sakit2. Ang sabi po ng Ob nagmamanas daw po kaya niresetahan lang ako ng vit B..mag 2weeks napo akong ganito at pahina ng pahina kamay ko kahit umiinom ako ng vit B. Kayo din po ba nagkaganito? natanggal din po ba sya after manganak?