Birthclub: Disyembre 2022 icon

Birthclub: Disyembre 2022

35 K following

Feed

Ayaw dumede ni baby

Hi mga mi. Need ur help po baka may same case tulad sa baby ko. Mix feeding po si baby since birth at ang unang formula milk nya is similac. Ok naman sya dumede nun magana sya. Nung nag 1 mon sya ngstart na sya magsuka suka. Dinala namin sa pedia at ung findings nya was may mild infection sya sa dugo. Nag antibiotics sya at gumaling ung infection nya pero dun na sya nagstart na huminang dumede at still nagsusuka pa din. Dinala namin sa ibang pedia at ung sabi lang is orasin ang pagdede kc baka overfeeding daw at pagburp sya before, midway, at after dumede which is ginagawa namin. Pinapalit ung milk nya ng S26 HA. Wala pa dn ganang dumede as in pinipilit lang sakanya ung dede at nagsusuka pa dn madalas even breastmilk sinusuka. Follow up ulit kami sa pedia at pinapalit ung gatas ng Enfamil Gentlease at may nireseta din na pampalakas ng appetite at pang digest ng maayos. Still the same. nuFor the 3rd time bumalik kami sa pedia at this time Similac Tummicare naman ang tinry namin. At parang wala pa dn pagbabago kay baby 😔 ganun pa dn sya nagsusuka 2-3times a day, at wala pa dn ganang dumede. As in pinipilit lang po 4oz po pinapadede ko every 3-4hrs pero ung nauubos nya lang is minsan 2 or 3oz tapos pahirapan pa po un iiyak pa po sya bago dumede. Pinacheck dn pala namin if may problem sa bibig nya pero wala naman daw. Sa loob po ng 3 weeks .2 lang po nadagdagan sa timbang nya. She is 5kg @ 2mons/21 days. Sa loob po ng 24hrs nakakadede lang po sya ng 16-18oz total. Based on research average po is 25-30oz sa age nya. Hindi po sya humihingi ng dede parang di po sya nagugutom. Straight po sya matulog sa gabi at pag mahimbing tulog nya hindi talaga sya mapadede kahit ipasok sa bibig ung nipple hindi sya dede at hirap din gisingan kaya natatapos ung magdamag na 2-3oz lang nadedede nya buong magdamag. Help po kung ano gagawin para bumalik ung gana nya sa pagdede kasi sa totoo lang po hindi na namin alam ang gagawin lalo na lapit na po akong bumalik sa work iniisip ko baka ung mapag iiwanan ko skanya is hindi sya mapagttyagaan sa pagdede kc po ngayon ako lang ung nakakapagpadede sakanya ako lang ung nagttyaga kasi sobrang hirap nyang mapadede 😔😔😔#pleasehelp #advicepls #firsttimemom

Read more
undefined profile icon
Write a reply
Load More Posts