







Nagbuntis ako ng Molar pregnancy o kiwaya 😭😭😭😭
10weeks ako dinugo ako nung Saturday ng gabi agad ulit kami nagpacheck up at naadmit ako . Fresh blood nalabas sakin madalas sa Isang buwan mga 3-4x akong may bleeding. Naadmit ako yung pinakaunang ultrasound ko 7weeks sac palang Nakita tapos kahapon Monday nag request yung ob ko ng ultrasound dapat makita na si baby , laking gulat namin nung Nakita ko ultrasound na madaming parang sago sago ( bilog bilog) biglang Sabi ng ob ko kailangan ko agad maraspa dahil yung pinagbubuntis ko ay kiyawa or molar pregnancy ang tawag,di ko inexpect na ganto mangyayari sakin , grabe yung iyak disappoint ko bilang Isang nanay, yung inaalagaan ko at iniinuman ng vitamins ay Hindi pala baby, di ko alam kung bakit nangyayari sakin to , yung mga Oras na pinanghihinaan ka ng loob. Akala ko baby na talaga kasi grabe paglilihi ko , pag kahilo pagsusuka pagbaba ng BP ko , pagiging matamlay at ayaw masyadong kumain, iBang iba sa unang pregnancy ko😭😭 ang sakit #sharing
Read more