Birthclub: Oktubre 2023 icon

Birthclub: Oktubre 2023

31.1 K following

Feed

Kadramahan sa buhay

Alam nyo yong feelings na parang iba ako sa mga anak ng parents ko? 7 kami magkakapatid ,4girls and 3boys, panganay babae sunod boy tas pangatlo ako. Ako unang nakapag asawa samin magkakapatid arrange marriage, 2nd cousin ko nag asawa sakin. Sa umpisa palang nafefeel ko na sa mama ko na ayaw nyang magkaanak muna kami ng asawa ko pero yong asawa ko gustong gusto na magbuntis ako kaya pinapahilot nya ko. Hanggang sa nagbunga, nabuntis nga ako, nung malaman ng family ko parang tatay ko lang ang natuwa, halos palagi pa ako inaabotan ng pera at binibilhan ng prutas, hanggang sa nalaman na gender ng baby ko natuwa ang tatay ko kc it's a boy pero nakakalungkot lang kc di naabotan ng tatay ko ang baby ko kc namatay na sya. Habang tumatagal nalalaman ko na naoopen na sakin ng mama ko na ayaw nya sa asawa ko. Di ko alam baka dahil mahirap lang sila? Tatlo lang sila magkakapatid at lahat pamilyado na, lahat sila sakto lang ang kinikita para sa pamilya nila. Ngaun yong kuya ko na ofw nagkaasawa na din pero gf nya, ganun din ang kapatid kong girl bf nya nakapag asawa sakanya. Alam nyo yong feelings na parang mas magaan luob ng mama ko sa mga napangasawa ng mga siblings ko na di namin kaano ano. Samantala sa asawa ko na halos pamangkin lang din nya dami nyang reklamo. Twing may nasasabi sya tungkol sa asawa ko tumatawa lang ako pero nasasaktan ako, di ko inoopen sa asawa ko yon kc ayoko mastress pa sya. Ang swerte ko na sa part na napakamaalaga ng asawa ko sakin at sa anak namin. Di sya nagkukulang, di nila alam o nakikita sakripisyo din ng asawa ko. Alam ko gusto din nya maibigay samin magandang buhay kaso sakto lang kc sa ngaun, kaya sana umasenso sya para di na mababa tingin sakanya ng mama ko 😭 ayoko na lahat nalang sisi sakanya. Basta for me swerte na ako sakanya.

Read more
undefined profile icon
Write a reply
Load More Posts