Birthclub: Oktubre 2021 icon

Birthclub: Oktubre 2021

31.9 K following

Feed

pa rant ako mga mommy

ako lang ba yung may magulang na grabe sila makapag salita sa anak nila . 10 months mula nung na CS ako sa lo ko . every time na nagkakasakit si lo marami sila sinasabe sa akin , like bakit ko daw kase nilalabas si lo ko , baka daw mamaya nabate o nausog sa labas . yes naniniwala naman ako sa mga pamahiin na yan dahil pinalaki nila ako sa ganyan pero syempre naboboring din tayo sa bahay diba mga mommy lalo na kung wala kang nakakausap , may times na gusto mo din maiba yung nakikita mo makalanghap manlang ng hangin at mainitan manlang ang katawan mo . tapos every time na umiyak si lo lagi nila ako sinasabihan na padedein mo kase hindi mo kase pinapadede baka mamaya nagugutom na , kahit kakadede lang or minsan naman nag tatantrums si lo kaya may mga times na nasasagot ko talaga sila . isa pa kapag nagkakasakit si lo kase nga diba dahil sa pinapagalitan nila ako , nasasagot ko nasila kaya pagka ending magkanya kanya na daw kme kahit sa pagluto. like seriously ? may sakit na lo ko ambes na tulungan nila dahil ft mom lang ako e binibigyan nila ako ng sakit sa ulo e kapag may pera naman ako hindi na nila kailangan humingi sa akin dahil nagkukusa ako at nag shashare ako ng expenses namen sa buong bahay kung kelan tuloy na kailangan ko sila e iniiwan pa nila ako sa ere , ni pagbuhat nga ng apo nila hindi nila magawa hanggang 2 minutes lang e bigay nila sa akin kesyo marami daw sila ginagawa , dahil sila nga daw dati walang tumutulong sya daw gumagawa sa gawaeng bahay habang nag babantay sa amin .kahit nagpaaalam ako na kahit gawan ko lang si lo ng pagkain nya. wala akong masabihan kaya dito na lang ako nagrant advance pasensya na agad , sa maghahanap po sa asawa ko LDR po kame dahil sa work nya .

Read more
undefined profile icon
Write a reply
Load More Posts