Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
17.4 K following
Sino naka experience dito na parang may stars na nakikita sa paningin nila? Nawawala din naman agad☹️
#AskingAsAMom #firstmom
Hi mga mommi
Ask kolang 34weeks pregnant here may contraction ba nangyayare sainyo after sex??? Sana masagot thankyouuu
MABIGAT KATAWAN
32 weeks. Mabigat narin ba mga katawan niyo at ngalay? Ako kasi damang dama ko yan at hapong hapo ako kahit malapit lang nilakad ko at konti lang inakyat ko. Even sa pagtulog kahit tagilid na parang napapagod ako magpapalit palit ng pwesto. Hindi narin ako makatulog maayos kasi hindi ko mahanap ang best position ko to sleep at this week 😩 Kaka frustrate na. Naninigas rin tiyan ko pero nawawala rin naman at napakalikot ni baby. Anyone exp like this too? Share your thoughts mommy and ano mga gingawa niyo para maging comfortable. Btw, 2nd baby ko to. Nagaasikaso rin ako sa 1st baby ko shes 3 and PWD. No yaya, relatives. Ako lang talaga lahat kaya ang hirap lalo 😢
STRETCH MARKS AFTER BIRTH
Hello mga momshies. EDD: Aug 2 Ano po kaya maganda pampa wala ng stretch marks after manganak? Wala ako mahanap remedy for stretch marks and wala ako ginagamit even nung bago pa lang buntis. Thanks po sa mga makakasagot. God bless :)
Natural lang po ba na may lumalabas pa din na white mens sa 32 weeks preggy ? Thanks
#AskingAsAMom
Pananakit ng tyan 35weeks
Normal po ba ung pananakit ng tyan ko na parang naglalabor sa sakit pero pag hinihiga ko nawawala naman , aug.1 edd ko Kaloka ung sakit sabayan pa ng para sya nasingit sa ilalim ng dede ko 🥴Kaya palagi ako nakahiga tuloy para mawala ung sakit. Sino Same case ko po mga mi dito .
34 weeks preggy
Ask lang po pwede ko papo ba habulin philhealth ko kahit ang edd ko is aug 9? Salamat po sa sasagot malaking help po happy tummy everyone🩷
EDD Ano dapat sundin
ano poba dapat yung sundin yung first ultrasound ko EDD is september15 and yung second ultrasound ko EDD August28
Di makatulog sakit sa ulo
Mga mami ilang araw na di maayos makatulog tapos humihilab na puson ko. Dalawa lang kami ng panganay ko kasi malayo asawa ko nagttrabaho di nakakauwi. Nung unang araw this week lang humilab puson ko napupoop lang pala ako pero halos magkakasunod after poop humihilab padin siguro mga dalawang beses o tatlong beses humilab pero di nagtatagal mga 5mins lang. Tapos bumibigat puson ko minsan sumasakit balakang ko. Napapansin ko din kung di abnormally o aggressively sya gagalaw naninigas o di kaya walang movement. Ano kaya nangyayare kay baby? Punta naba ako ob?
Makati na masakit ang singit
36weeks sobra kati at sakit ng singit dahil sa dry ano remedy nyo po may katulad ko po ba dto tuwing gabi d nako mapakali sabay pa lagi naihi at d masyado makatulog pag natutuyo nllagyan ko nlng polbo sa buwang araw kc malamig ung powder 😔 edd aug.1 via Trans v