Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
21.1 K following
3months after cs
Hello po ask kolang po sino po nag pa family planning ( inject) pero dinudugo po 4days na po.
Normal lang poba na himina dumede baby ko? Dati kasi nauubos nya 4onz ngayon lagi ng may tira
Humina dumede 2½ months na baby ko
Breastfeeding
PaHelp Nman .2Mos Na Di Dumidede Saken Si Lo. Ano Ba Pede Gawin Para Dumede Ulit Sya Saken ? Pag Pinapadede Ko Kasi Saken Inaalis Nya At Umiiyak. 😥
sino po naka Implant dito?
Sino po dito nakapag implant? Ano po mga side effect? nag spotting ako simula nung implant tapos ngayon 2weeks na po akong malakas ang mens. as in malakas nakaka tatlong night pad ako everyday at napupuno yon natatagusan pa sa short.
Tunog sa lalamunan ni baby
Momsh nawawala ba kusa ang tunog pag humihinga si baby? Pinapa burp ko naman sya after feeding at 3 hours interval ang feed nya. Umuubo po sya pero walang plema parang nasasamid
Hindi agad umiyak pagkalabas ni baby at nakakain ng dumi
Sino po dito ang may experience na hindi agad umiyak ang baby pagkasilang o pagkalabas ng baby? Nakakain po ng dumi baby namin. Naging normal po ba siya habang lumalaki o nagkakaroon ng cerebral palsy agad kapag ganon ang nangyari? Salamat po sa mga sasagot.
Makating ari na may brown discharge
Hello po. Tanong ko lang po kasi nag shave ako nung nakaraan tapos nagkasugat tas nangati tas mga ilang araw gumamit ako ng betadine na feminine wash tapos ngayon may nakita akung brown discharge makati pa dn ari ko. Ano po ibig sabihin non? Sana may makasagot worried na po ako😔
Formula fed
Mga mi formula fed si lo ko. Ngayon humina sya dumede pumayat rin sya yung dating nauubos nya na 4oz di nya na maubos. 😭 Di ko alam kung bakit. 2months old sya. Mkkatulong kya vitamins pra gumana sya ulit.
pneumonia sa baby
Hi po, ask ko lang if pede pa din po bang mag ka pneumonia ang baby kahit complete na sa vaccine na PCV? pneumococcal conjugate vaccine (pcv) thank you po
Normal or lip-tied?
Hello Mommies! Ask ko lang mukha po bang lip-tie 'to or normal lang? Simula kasi nung nag-2 mos old sya sumakit na paglatch nya. Nagdudugo na nipple ko pero tuloy pa rin pagpapalatch ko kaya hindi gumagaling. Sinusubukan ko syang ipadeep latch, pero tumutunog pag nadede sya tapos hindi rin nagtatagal. Kabagin rin sya kaya iniisip ko baka lip-tied.