Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
24.9 K following
Excited sa Gender ni baby
Hello mga mamsh nasa 25 weeks na ako ngayon tingin ko parang di normal yung laki ng tyan ko haha napakatakaw ko kasi ngayon. Yung hugis ng tyan ko parang nasa gitna lang sya nakapwesto. Ano kaya gender nya? :)
Pananakit Ng bandang dibdib
Hello Po salamat Po sa sasagot I'm currently 27 weeks Po s pagbubuntis and ask kolang Po sana if normal poba na sumakit ung bandang itaas Ng dibdib ung pakiramdam na parang naninikip na dimu maintindihan ano Po kaya reason nun baqt sumasakit, anyway ngyon kolang nmn Po sya naranasan Mula unang weeks pgbbuntis ko
Preparation for baby
Ilang months na po ba ang dapat Bago bumili ng gagamitin for baby? Naalala ko Kasi Yung Sabi ng matatanda na huwag daw Muna agahan ang bili ng gamit dahil baka maudlot..
Breech/Suhi po ang baby ko ano po maganda gawin ? nakakatulong ang pag play Ng music sa tyan
Breech or suhi
Hello mga mii sino nagkaroon ng skin tag or warts simula nag pregnant? may ginawaba ba kayo?
may ginawa ba kayo para matanggal or delikado ba ito thankyou
Hi po normal po ba may nalabas na white na buobuo sa epep ko?
Hi po normal po ba may nalabas na white na buobuo sa epep ko? Salamat sa pag sagot
Hi po pasuggest nmn po ng name for our bb girl 1st bb combination sana namin ni Misis James/Michelle
Name Suggestion
Ubo during pregnancy
Hi mga miii. Alam kong dapat iask ko ob ko, the problem is, hospital lang po ang pinapacontact samen wala kaming direct contact ke ob..2nd every tues lang sya andun wednesday palang ngayon.. 😭 ok ba magoregano lapag buntis? Or any nirecommend aa inyo na pangubo
Calcium Vitamins for Pregnancy
Hello, mommies. Suggest po kayo best brand ng Calcium Supplements na maging effective po sainyo. Thank you!
pa rant please
meron akong ka live in‚ 1 year na kami nagsasama. meron siyang dalawang anak na sinusustentuhan sa una niyang naka live in. 2500 ang pinapadala niya kada sahod tuwing biyernes. minimum wage lang ang sinasahod niya (610) dito sa quezon city. una kaming nag live in sa valenzuela dahil doon ang lugar ko. and yes napakalayo ng bina-byahe namin pag papasok sa trabaho. wala kaming naging problema doon, walang nangdidikta saamin, walang nangingialam in short walang stress, masaya lang kami at parehas kami no'n may trabaho. august nabuntis ako‚ wala kaming ipon na sapat dahil nga may pinapadalhan/sinusustentuhan siya at share kami sa lahat ng babayaran at bilihin. october nag moved kami dito sa mama niya sa quezon city para makapag ipon para sa panganganak ko. pumayag ako na mag moved kami dito kahit alam kong ilang saakin ang nanay ng kalive in ko dahil nga sa mayroon na siyang dalawang anak. hindi sila mayaman pero ramdam kong ayaw saakin ng mama niya. okay lang saakin, dahil nakahiwalay naman ang bahay na tinitirhan namin, yun nga lang magkatabi lang ang bahay, no choice ako para sa magiging anak ko din itong ginagawa ko. october nag stop na ako mag work dahil maselan ang pagbubuntis ko, kaya back to taong bahay ulit. october, november, okay ang pagsasama namin, okay ang pakikitungo saakin ng mama niya kahit alam kong plastic lang yon. start ng december parang nagiba na ang ihip ng hangin, nasusulsulan na ang ka live in ko na doon nalang ako patirahin sa tatay ko, hindi ko alam kung bakit, wala naman akong ibang ginawa o ikakasama nila. hanggang sa hindi na naging okay hanggang ngayon, nag aaway narin kami ng ka live in ko kahit sa maliliit na bagay. hindi ko na alam ang nangyayari. hinihintay ko nalang manganak ako at makapahinga after manganak tsaka mag trabaho ulit at magbukod ng magiging anak ko, btw nakaplan na ang gagawin ko kukuha ako ng baby sitter para makapagtrabaho ako. then after work ko kukunin, ganon lang araw araw. kahit alam kong hustle ang mangyayari kakayanin ko dahil wala akong ibang aasahan. pinipilit ng mama ng ka live in ko na balikan nalang ang dating ka live in dahil may dalawang anak na sila, masakit saakin pero hindi pumayag ka live in ko. sa ngayon nagtitiis ako, dahil wala pa akong trabaho at diko pa kaya. ano ma aadvice niyo sa akin mga mommies? ano ba dapat ang gagawin ko? kung ganito ang sitwasyon ko