Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
22.1 K following
Ano Magandang yaya agency within metro manila that offer less than 10K
Salamat sa sasagot po
Gestational diabetes
Hi ask ko lng po sinu Dito meron GDM/gestational diabetes? Sometimes nacocontrol ko sometimes Hindi. I'm 8months pregnant now Ok langga ba mga baby nyu pagka panganak or nag insulin kaagad kayo?
PREG TEST blood serum
Walang ob today dito samin kaya help nalang para sa aking peace of mind ano sa tingin niyo tong result mga mami? First time ko kasi magpaganto 🥺 kasi bago ako magpa blood test nag TVS muna ako and walang nakitang bahay bata plus i have Pcos 😢 kaya ewan nalilito ako pero sa mga PT ko lahat may super FAINT LINE
Confused na talaga ako teh
Sa tingin niyo mga mami Positive or nega? Pang apat ko nato puro ganyan super Faint Line and ayoko talaga mag expect kasi super maaga pa para mag pt pero kasi may symptoms ako kaya nagbakasali and na diagnosed pako PCOS a year ago super TTC na kami ni hubby sana Positive na Although mag papa TVS naman ako bukas wala lang gusto ko lang ng opinion niyo TIA 🫶🏻🫶🏻
Child custody (Grounds na hindi fit ang mother sa pagpapalaki ng anak)
Hello mga mi. May katanungan lang ako dahil ako'y stress na stress na. Hindi kami kasal ng partner ko, so sa akin ang anak namin (1 yr old) at obligado syang bigyan ng suporta dahil sya ang ama. Ang sinasabi sa akin ng ex-partner ko, gusto nyang makasama ang anak namin ng 4times a month pero ang gusto ko lamang ay 2times a month. Nagharap kami sa brgy pero ayaw nya pumayag sa gusto ko, at ang sinasabi nya ay hindi ako "fit" para palakahin ang anak namin, knowing na may trabaho ako at nakatapos ako sa pag-aaral. Isa pa sa sinasabi nya e nakikita nya akong nag-iinom, which is occasionally at umaalis lang ako kapag napatulog ko na ang anak namin. Plus, sinisilip nya na ang bahay daw namin ay makalat (madami talaga kaming damit) pero maayos naman na tirahan. Sinabi nya na mas giginhawa anak namin pag nasa kanila kasi mas maayos ang bahay nila sa amin. Grounds ba yon para masabi sakin na kelangan nasa kanila ang bata? Ni hindi nga nya inaalagaan ultimo hugasan ang anak nya kapag nag-poop na. Gusto ko po ma-empowered dahil sobrang stress na ako at halos parang sya pa ang kelangan masunod sa lahat lalo na sa kung ilang beses dapat hiramin ang anak nya.
Sodium Chloride Salinase
Ask ko lang mga mi baka may idea kayo pwede ba ito sa 1month old baby na mau sipon? Salinase ung reseta rin pedia # #
Picky Eater?
My baby is 14month old. Mga mommies, paano ba magiging magana kumain ang ganitong edad? Sobrang hirap pakainin ng anak ko at sobrang pili ng gustong kainin. Minsan nakakafrustrate dahil nasasayang lang mga pineprep ko na food 😞
Urinalysis
good day mga momshies. ano pong ibig sabihin ng RBC ko dito sa urinalysis ko. upon research, hindi ito pasok sa normal range. could it be uti? then dun sa urine chem analysis meron ding blood 3+ . anyone here na parehas ng case sakin? thanks po
Ask ko lang po, si baby ko kasi 4months napansin ko ilang araw ng di ok ang ihi nya. Di sya gaano
Ask ko lang po, si baby ko kasi 4months napansin ko ilang araw ng di ok ang ihi nya. Di sya gaano umiihi. nagaalala na ko. ano po kaya dahilan? nadede naman po sya sakin.
Meron po ba dito na 14 months na ang anak pero 8kg. lang ang timbang? 🥺
Hindi ko na po alam ang gagawin ko at napapagod na po ako everytime na pupunta po kami ng clinic for well baby check up. Ang timbang ng lo ko hindi bumibigat. Nagreseta na ng pediasure sakanya pero parang walang progress. First time mom po kasi ako at the same time working mom din. Sobrang hirap ako sa schedule ko sa work plus preparation ng food sa baby ko. Kaya madalas ang nagpprep ng food is si MIL. Napapansin ko din na nagiging pihikan sya sa pagkain. Sobra yung frustation ko sa sarili ko... Kelangan ko lang po ng advise nyo.